Pinag uusapan ngayon sa social media ang larawan ni Daniel Padilla katabi ang campaign poster ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo.
Ipinost ng direktor na si Mandy Reyes noong Miyerkules, March 9 ang larawan nilang dalawa ni Daniel habang napapagitnaan ang poster ni VP Leni.
Nilagyan din niya ito ng caption na: “Aba ewan ko sa inyo. Basta kay #LiderLeni kami ng tropa kong gangster”.
Gumamit din ang direkto ng mga sumusunod na hashtags: “#IpanaloNa10To #DapatLeni #TagagawaNgPatalastasForLeni #GobyernongTapat #AngatBuhayLahat”

Marami tuloy ang nagtataka kung paano ito tinanggap ng ina ni Daniel na si Karla Estrada.
Matatandaang masugid na supporter ng kalaban sa pulitika ni VP Leni na si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos ang ina ni Daniel.
Kumakandidato na third nominee ng Tingog Party-List si Karla at nito lang Pebrero 8 ay nakita ito sa rally ng BBM Sara Duterte tandem sa Philippine Arena.
Sa kasalukuyang ay si Congresswoman Yedda Romualdez ang representative nitong Tingog Party-List. Miyembro din ang kongresista ng Philippines House of Representatives mula pa noong 2016.
Si Yedda din ay isa lamang sa mga kongerista na pumabor na huwag na bigyan ng prangkisa ang kumpanyang pinagtatrabahuan nina Daniel at Karla, ang ABS CBN.
Si Karla ay naging host ng Magandang Buhay ngunit umalis din nang mag file ito ng kanyang certificate of candidacy noong Oktubre ng 2021.
Samantalang si Daniel naman ay nanatiling isa sa pinakamalaking artista na inaalagaan ng ABS CBN.
Matatandaang sinuportahan na ni Daniel kasama ng kanyang nobyang si Kathryn Bernardo ang kandidatura sa pagka bise presidente ni VP Leni noong 2016.
Samantala, wala pa namang bagong statement ang aktor tungkol dito.