Claudine Barretto inalala ang dating nobyong si Rico Yan sa ika-47 na kaarawan nito

Kaarawan ng namayapang matinee idol na si Rico Yan kahapon March 14, 2022, kaya naman hindi nakaligtaan ng kanyang dating kasintahan na si Claudine Barretto ang batiin ito.

Ayon pa kay Claudine, “In a few minutes it’ll be your birthday. As you Celebrate in Heaven we Celebrate you here on Earth.”

“May u know that I & the People who luv u will forever luv & Celebrate you. i luv you.”

Nagpost din ito ng larawan ng birthday cake galing sa kanilang mga tagahanga simula pa noong sila ay sikat na loveteam noong 1990’s.

Matagal nang ipinagdiriwang ni Claudine ang kaarawan ni Rico simula pa nang mamatay ito noong 2002.

Noong nakaraang taong 2021 ay naghanda siya ng isang intimate dinner kasama ang kanilang malalapit na mga kaibigan at pamilya bilang paggunita sa ika-46 na kaarawan ni Rico.

Binati din ng mga fans ang matinee idol sa pamamagitan ng hashtag na #ricoyan at #rycb sa twitter.

Sina Claudine at Rico ay magka-love team noong huling bahagi ng 1990s. Nagsama sila sa mga hit na pelikula katulad ng “Flames: The Movie,” “Got 2 Believe”, “Dahil Mahal na Mahal Kita,” at iba pa.

Ang kanilang on-screen na pag-iibigan ay humantong sa isang off-screen na relasyon.

Hindi nagtagal matapos ang kanilang paghihiwalay ay namatay si Rico sa kanyang pagtulog noong madaling araw ng Marso 29, 2002, mula sa acute hemorrhagic pancreatitis. Ang aktor ay 27 taong gulang lamang.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.