Gladys Guevarra nagpahayag ng pagkadismaya sa inasal ni Sharon Cuneta

Isa ang komedyante at singer na si Gladys Guevarra sa mga artista na nagpahayag ng pagka dismaya sa naging reaksyon ni Sharon Cuneta sa pagkanta ni Salvador Panelo sa kanyang kantang “Sana’y Wala Nang Wakas” sa isang rally.

Ayon pa kay Sharon, “Nanang ko po pls lang nakakahiya naman sa amin ni Willy Cruz! You are not allowed to use our song! Don’t mess with a classic.”

Nagbiro din siya ang Leni-Kiko tandem lamang ang pwedeng gumamit ng kanta.

“I allow its use only for Leni-Kiko! LOL. Utang na loob baka bumangon si Willy nakakahiya naman sa amin! Kinilabutan ako. In a bad way. Lol.”

“Kidding aside, only because it is campaign season, I just think something’s a bit off when you sing a song made famous by the wife of one of your Vice-Presidentiable’s political opponents while campaigning.”

Dagdag pa ni Sharon, “On the other hand, maybe I should just thank you for reminding your crowds of Kiko whenever you sing it, whether you do so to mock us or not.”

Sa kasalukuyan ay burado na ang post na ito ng Megastar.

Nagpaliwanag din naman si Panelo kung bakit lagi niyang kinakanta ang “Sana’y Wala Nang Wakas”.

Ayon pa sa dating Chief Presidential Legal Counsel, “Palagi kong kinakanta ang (“Sanay Wala Nang Wakas”). Ako ay may permiso sa Viva records. Pangalawa, kaya ko kinakanta yun ay para parangalan ang anak ko na special child. Naalala ko siya everytime I sing it and also to pay homage to Sharon Cuneta and Willy Cruz dahil sila yung mga kumanta niya.”

Ngunit hindi parin nagpaawat ang ilang netizens para batikusin si Sharon dahil sa kanyang insensitibong pahayag.

Isa nga si Gladys sa nagsalita tungkol sa kaniyang pagkadismaya sa dating iniidolo. Ngunit nagpahayag din naman siya ng paghanga kay Sal Panelo dahil sa pagiging mabuting ama nito.

Ayon pa sa post ni Gladys sa kanyang Facebook page, “Bilang may pinsan at pamangkin akong may Down Syndrome, may pamangkin din ako at may anak akong may Autism… Sinasaluduhan at nire-respeto ko si Senator Panelo hindi sa kahit anu pa mang political reasons. Pero sa pagiging Amazing father nya.”

Sinabi din niya na nagbago daw ang lahat at biglang naglaho ang kanyang paghanga kay Sharon dahil sa nangyari.

Dagdag pa niya, “Dati idolo ko si Sharon Cuneta, tuwang tuwa pa ko ng magkaroon ako ng pagkakataong makilala sya ng personal noon sa Eat Bulaga.”

“Nakakapanghinayang lang, at tama naman din yung isang nabasa ko. Sayang yung ilang dekadang binuo mo at pinaka ingatang magandang imahe, sinira mo lang sa iisang nakakaidiring post at negative reaction mo sa ginawang pag awit ni Senator Panelo sa kanta na sinasabi mong dapat ipinaalam sayo.”

“I used to have so much respect sayo Mega, bilang mang aawit din ako. Ngayon, malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali.” Pagtatapos pa ni Gladys.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.