Valentine Rosales sinupalpal nina JP dela Serna at Rommel Galido dahil sa pekeng 7/11 story

Binira nina JP dela Serna at Rommel Galido ang kaibigang si Valentine Rosales dahil sa diumano’y fake story nito tungkol sa isang BBM supporter.

Si Valentine, JP at Rommel ay tatlo lamang sa limang naabswelto sa Christine Dacera case. Nito lamang February 2022 napawalang sala ang lima sa kaso.

Nag umpisang maging kontrobersiyal muli si Valentine nang magkwento ito tungkol sa Bongbong Marcos supporter na diumano ay hindi nagbayad ng kinuhang inumin sa 7/11.

Binatikos kasi siya hindi lamang nina JP at Rommel kundi maging ng karamihan sa mga netizens.

Narito ang buong kwento ni Valentine:

“Story Time: Incident kanina sa 7/11 Near Alimall Cubao Branch sa may UCPB katapat ng SM Super Market. Namili ako ng chips and korean noodles kanina sa 7/11 around 1pm, Tapos may pumasok na lalaki madaling madali kumuha ng drinks sa Vending Machine.”

“Sama pa ng tingin sakin porket Leni yung hawak hawak kong baso, Then pagka kuha niya ng milktea na drink bigla siya umalis, tapos nung patapos na ko kumuha ng Drink nilapitan ako ni Kuya Cashier sabi niya Sir kasama niyo po ba yung lalaking lumabas? Sabi ko sino po? Mag isa lang po ako dito.”

“Sabi niya kumuha daw kasi ng drinks tapos di nag bayad. Sabi ko yun ba yung pandak na naka black tapos medjo panot. Natawa si Kuya sabi niya “opo sir. Nakita niyo po ba anong tumbler po na kinuha niya?” Sabi ko “yes po, bat kailangan niyo po ba yun malaman?”

“Sabi ni kuya Cashier “opo sir. Kasi sa inventory po pag inaaudit po kami.” Sabi ko yung kay BBM po ang ni kuha niya eh. Natawa si Kuya sabi niya magnanakaw talaga tas natawa din tuloy ako at sinabi ko hayaan mo na kuya, ako nalang po mag babayad nung tumbler na yun.”

“Sabi ni kuya salamat sir samin kasi yun ma charge eh. Sabi ko magkano ba? 35 pesos lang naman pala. Jusko ninakaw pa.”

“Anyway share ko lang. Masama po mag nakaw kailangan po natin bumoto ng leader na may prinsipyo at di nag nanakaw. Sarap kaya Uminom ng Gulp sa 7/11 pag alam mong di NAKAW or UTANG yung pambayad sa cashier.”

Nilagyan din ni Vlentine ng hashtag na #kakampink.

Credit: Valentine Rosales/Facebook

Kaya naman, sa Instagram story ni JP kahapon March 14, ay hindi nito napigilan na maglabas ng galit sa ginawa ni Valentine.

Sinabihan din niya itong cheap dahil sa paggamit sa Christine Dacera case para lang sumikat.

Ayon pa kay JP, “This is the first time that I’ll be posting my anger and disappointment on you. Firstly, you’re enjoying the clout while being bashed by so many people around you, then so be it.”

“But don’t use the fame that you’ve got from the bad incident that happened before cause in reality you do not belong to the circle of friends, you were only a visitor that night.”

“Everyone is now at peace and we’re busy with our own lives by moving forward. If creating stories or rumors is your hobby in life just to be noticed please don’t use the Dacera case cause our friend is at peace.”

“She’s not your friend just to reiterate. Stop being a famewhore because again, you got noticed by people in a bad way at tatagalugin ko, hindi siya magandang image kasi may taong NAMATAY itatatak mo sa brain mo yan.”

“Apaka Cheap mo girl sa ginagawa mong stories taasan mo naman standard mo sa buhay. Sorry Val but you deserve this. Ew!”

Hindi rin bumenta kay Rommel ang kwento ni Valentine. Sa kanyang sariiling Instagram story ay sinabi nitong mas naging hindi kapani paniwala ang kwento ng kaibigan dahil sa kilala niya ito.

Ayon pa kay Rommel, “Maniniwala sana ako sa 7/11 drama mo kung hindi kita kilala. Kaso kilala ko buong pagkatao mo eh.”

“Kaya hindi benta sa akin ang 7/11 drama mo.”

Samanta, naglabas naman ang isang netizen ng resibo na nagsisinungaling si Valentine tungkol sa issue. Nagpost ito ng picture ng isang nakasarang tindahan ng 7/11 store.

Ayon pa sa netizen, “Sara po sila Val paki edit po yung nangyayari dyarn. Wahahaha.”

Narito naman ang ilan sa mga banat ng mga netizens sa diumano’y pekeng story ni Valentine.

Inihalintulad naman ng isang netizen si Valentine sa kanyang iboboto sa pagka pangulo na si VP Leni Robredo.

May nagtanong naman kung bakit tila hindi pa natuto sa Valentine sa nangyari sa kanya sa Christine Dacera case.

Ayon naman sa isang netizen ay nakakadiri ang paggawa gawa ni Valentine ng kwento para lamang sumikat.

Nagpaalala naman ang isang netizen sa iba pang nagbabalak gumawa ng pekeng kwento para sumikat sa social media.

Mayroon din namang mga supporters ni VP Leni na hindi nagustuhan ang ginawa ni Valentine.

Samantala, tila nageenjoy naman si Valentine sa pambabash sa kanya sa social media dahil nagpost pa ito ng screenshot kung saan trending siya sa twitter.

Share this article
Erie Swan