Naging kwela ang unang live selling ni Mariel Rodriguez Padilla sa kanyang Facebook at Instagram. Ibinenta kasi niya ang ilan sa kanyang mga gamit na naipon niya sa nakalipas na taon.
Halata ding sobrang excited ang asawa ng senatoriable na si Robin Padilla para makabenta. Kaya naman ay nagpaliwanag muna ito sa kanyang mga viewers kung bakit pinasok na niya ang live selling.
Ayon kay Mariel, “I have been watching a lot of live selling and I’ve been so addicted to it. Nakakatuwa siya panoorin. Ang saya niya. Tapos feeling mo yung nakikipag agawan ka because you want na ma-mine yung item na yun. Tapos pag feel mo na hindi mo siya nakuha manghihinayang ka. So andaming feeling sa live selling. So I decided, wait kaya ko yan. Gusto ko yan.”
Ibinenta ni Mariel ang ilan sa kanyang mga designer bags at mga damit. Kasama din ang ilan sa mga damit ng kanyang anak.

Ngunit sa kalagitnaan ng pagla-live selling ni Mariel ay biglang nagulat ang mga netizens dahil biglang nag comment nang “unbelievable” ang asawa nito na si Robin.
Sunod sunod din ang pag comment nito sa live selling ng asawa kaya tuwang tuwa ang mga viewers.
Nagbiro din si Robin na mas mahalaga pa sa asawa ang mga gamit nito kaysa sa kanya. Kaya hindi siya makapaniwala na nagbebenta ito online.
Dagdag pa niya, “Babe Hindi ako makapaniwala na ginagawa mo ito ngayon Nakakuadro ang mga gamit mo na yan. Mas nahihimas mo pa nga sa akin ang mga bag at sapatos mo.”
Humirit din si Robin nang, “Babe Gastos pala sa kampanya ang solusyon para lumuwag ang dressing room mo.”
“Bakit ka mag live selling? Pang tarpaulin ba yan at pang tshirt ? Hindi na kaya ng cooking Ina food market ang gastos?”
“Yehey isang positibong epekto ng pagkandidato ko.”

Halata namang sobrang proud si Robin sa ginagawang sakripisyo ni Mariel lalo na ngayon at tumatakbo siya bilang senador sa susunod eleksyon.
Sabi pa niya, “What wife can sacrifice in the name of support. My goodness babe. Ang mga memories natin na sinasabi mo andyan sa mga bag na yan. Desperate Times, Call for Desperate Measures.”
Sa huli ay pabirong inawat na ni Robin ang asawa sa pagla-live selling.
“Babe awat na. Sapat na siguro yun naipon mo.”
Samantala, humanga naman ang karamihan sa nanood sa ginawang ito ni Mariel. Hinangaan nila ang sipag, pagmamahal at ang buong suporta na ibinibigay nito sa kandidatura ng asawa.
Ayon pa sa isang netizen, “You must be proud Robin, I admire Mariel dahil ganun ka niya ka mahal. Wala yung tinatawag na pride.”