Marami ang natuwa sa balitang tuluyan nang naging magkarelasyon ang dating Miss Universe Philippines at ngayon ay Kapuso talent na si Rabiya Mateo at aktor na si Jeric Gonzales.
Magkahawak ang kanilang mga kamay at sobrang sweet sina Rabiya at Jeric sa larawan. Kaya naman nakapag isip ang mga netizens kung sila na bang dalawa.
Ngunit pareho pa silang naging tahimik tungkol sa issue noong mga panahong iyon.

Kaya naman ngayong opisyal na ang lahat ay marami ang natuwa para kay Rabiya lalo na at nanggaling nga din ito sa isang hiwalayan.

Ibinahagi ng beauty queen turned actress ang magandang balita sa kanyang Instagram account.
Nagbahagi din siya ng mga larawan at isang maiksing video kung saan nakaangkas siya sa likod ni Jeric habang pababa sila ng hagdanan.
Ayon pa sa caption ni Rabiya: “Live. LOVE. Laugh. Thank you, Eric.”
Kinilig ang mga fans ng dalawa nang mag comment si Jeric sa post na ito ng nobya.
“Let’s be happy together. I love you.” Ayon pa sa kanya.

Positibo naman ang naging reaksyon ng mga kaibigan at tagahanga ni Rabiya tungkol sa kanyang natagpuang bagong pag-ibig.



Habang isinusulat namin ang balitang ito ay meron nang 209k likes at 2k comments ang post na ito ni Rabiya.