Karolina Bielawska from Poland is crowned Miss World 2021

Si Karolina Bielawska mula sa Poland ay nanalo sa ika-70 edisyon ng Miss World pageant na ginanap sa Puerto Rico.

Ginanap ang koronasyon sa Coca-Cola Music Hall sa San Juan, Puerto Rico. Habang si Karolina ang nagwagi sa inaasam na titulo, si Shree Saini naman mula sa United States ang 1st runner-up, at si Olivia Yace mula sa Côte d’Ivoire ang 2nd runner-up.

Ipinasa ni Toni-Ann Singh ng Jamaica ang korona kay Karolina bilang kanyang kahalili ngayong Marso 17, 2022.

Si Karolina ay kasalukuyang nag-aaral ng kanyang Master’s Degree in Management. Nais din niya na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral para makakuha ng PhD.

Nagtatrabaho si Karolina bilang isang modelo. Mahilig siyang lumangoy at mag scuba diving. Pangarap din niya ang maging motivational speaker balang araw.

Credit: Miss World/Instagram

Hindi naman makapaniwala si Karolina na siya ang nakasungkit sa korona ng 70th Miss World.

Ayon sa kanya, “When I heard my name I was shocked, I still can’t believe it. I am honored to wear the Miss World crown and can’t wait to get to work. I will remember this amazing chapter in Puerto Rico for the rest of my life.”

Pumasok naman sa top 12 ang kandidata ng Pilipinas na si Tracy Maureen Perez.

Bumalik sa Puerto Rico ang 40 semi-finalists matapos ipagpaliban ng Miss World Organization noong Disyembre ang patimpalak dahil sa pagsiklab ng Coronavirus sa bansa.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.