Isa na namang mahabang update tungkol sa kanyang kalusugan ang ibinahagi ni Kris Aquino sa kanyang mga followers sa social media.
Ibinahagi din niya na sabay sila ng kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby na na-admit sa hospital para sa mga ilang preliminary tests.
Inisa isa ding tinalakay ng aktres ang halos magkakaibang medical procedures na kanyang pinagdaanan nitong mga nagdaaang araw.
Ayon sa kanya, “Listed in chronological order was done March 11, 2022.”
“(1) PET/CT scan: I am so thankful our prayers have been heard by our Lord and Savior…Maraming salamat for being our prayer warriors. From the Pet/CT scan results, Dr. Francis gave me the HAPPY NEWS, walang tumors, NO CANCER DETECTED.”
“(2) Upper endoscopy: Dr. Jonard Co’s findings are erosive gastritis and gastric ulcer.”
“(3) Bone marrow “aspiration” for biopsy done by Dr. Francis Lopez (for me, one of the most thorough doctors in the Philippines); para wag na tayong malito, kumuha po ng bone marrow fluid from my back pelvic bone. That sample is now being tested to RULE OUT a blood related disorder associated with my weight loss and my being anemic.”

Inamin din ni Kris na nakaranas siya ng sobrang sakit sa kanyang likod matapos ang ginawang bone marrow procedure sa kanya.
“Mahirap akong maging pasyente, sa dami ng bawal sa’kin, salamat nalang at MAHUSAY si Dr. Henry Lu and his TEAM for pain management.”
Paglalahad pa niya, “I won’t lie to you, there’s this parang nabugbog ng bongga feeling in my lower spine BUT apart from my medicinal limitations, halos wala na kasi akong fat to help “CUSHION” my bones… kaya EXAG ang sakit, skin then diretso sa buto. Process and hit or miss para makahanap ng ok na pwesto pag hihiga at kung uupo.”

Palagi naman daw pinaaalahanan ni Kris ang sarili na kahit ano pa man ang kanyang pinagdadaanang hirap sa ngayon ay kailangan niya paring magpasalamat sa Panginoon at iwasang magreklamo.
“I constantly remind myself: To keep thanking God since my current pain is temporary. Malalagpasan rin kaya bawal umangal, maraming mas malala ang pinagdadaanan, at may hinihintay pang mga resulta kaya manahimik, magpasalamat at patuloy na magdasal.”
Kilala man si Kris sa kanyang pagiging prangka at pagiging taklesa, ay hindi parin niya nakakalimutang magbahagi ng kaunting pasilip sa kanyang pribadong buhay para sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa kanya.
Naging biktima na din kasi siya ng fake news kaya siguro ay mas minabuti niya na sa kanya mismo manggaling ang katotohanan.
Dagdag pa niya, “I’ve shared my journey because pinagdarasal, inuunawa at nagbibigay kayo ng panahon para kamustahin ako. That’s why you deserved the TRUTH coming from me.”

Pinasalamatan din ni Kris ang kanyang mga doktor na sinisigurong maaalagaan ang kanyang sensitibong kalagayan. Nagpasalamat din siya sa kanyang mga kaibigan na walang sawang sumusuporta sa kanya. Isa na nga dyan si Angel Locsin.
Ayon pa kay Kris, “Thank you to my friends, the lovable feeling both “stage mother” and main character in Grey’s Anatomy, to both kuya josh and me, Angel (Locsin).”
Sa huli ay nagpasalamat si Kris sa lahat ng nagdadasal para sa kanyang pamilya.
“Maraming salamat po for caring about my FAMILY and praying with all of us. God bless you. May the Almighty always protect you and those closest to your hearts.”
Sa ngayon ay nagpaplano diumano si Kris ng isang HEALTH AND WELLNESS TRIP ayon na rin sa payo ng kanyang mga doktor.
Habang isinusulat ang artikulong ito ay nakauwi na si Kris sa kanyang inuupahang bahay at hinihintay na lamang ang resulta ng kanyang bone marrow procedure.