LOOK: Allysa Valdez’s volleyball comeback is trending on Twitter

Trending sa twitter ang #AlyssaSmashBack at #CreamlinefLYhigh dahil sa pagbabalik ni Alyssa Valdez sa volleyball court para sa 2022 Premier Volleyball League Open Conference ngayong Huwebes sa Paco Arena Events and Sports Center.

Sulit ang paghihintay ng mga volleyball fans dahil nilampaso ng team ni Alyssa na Creamline Cool Smashers ang kanilang katunggali na PLDT Speed Hitters sa tatlong sunod sunod na sets sa score na 25-16, 25-18, 25-22.

Nanguna si Tots Carlos ng Cool Smashers nang magbigay ito ng 16 puntos na binuo sa pamamagitan ng 13 attacks, dalawang blocks, at isang service ace.

Si Alyssa naman ay nagpaputok ng 11 na puntos mula sa kanyang power na 13 hits.

Samantala, narito naman ang komento ng ilang fans na nakapanood sa muling pagbabalik ng tinaguriang “The Phenom”.

“Alyssa Valdez DTL hit will always be my fave.”

“You got this captain!!”

“Alyssa Valdez backrow attack!!!”

“Ang saya ko! Parang bet ko mamigay ng isang shirsey ng Creamline (Alyssa, Jia, Jema, Tots, etc.).”

“I love you, Kapitana @AlyssaValdez2 Congratulations again.”

“1st Win! Congratulations again Creamline.”

Credit: PVLPH/Instagram

Si Alyssa ay isa din sa top 2 ng reality TV search na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.