Angelica Panganiban magiging isang ganap na ina na

Buntis si Angelica Panganiban!!!

Iyan ang magandang balitang sumambulat sa social ngayong hapon. Nagpost kasi si Angelica ng larawan at video ng sonogram ng kanyang ipinagbubuntis.

Dito ay kanyang ibinahagi kung gaano siya kasaya na matutupad na ang kanyang pangarap na maging isang ina.

Ayon pa sa caption ng post ni Angelica: “Ay! Na post!! Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinaka hihintay, at pinaka importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.”

Nagbiro din ito na hindi siya bakla dahil may matres siya. Nagpasalamat din siya sa mga taong sumusuporta at patuloy na nagdadasal para sa kaniyang maliit na pamilya.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. May pamilya na ko. Kaiyaq pramis.”

Maririnig din sa video ng kanyang sonogram na naiiyak sa tuwa sa background si Agelica at ang tanging nasabi niya lamang ay, “Oh my God.”

Credit: Angelica Panganiban/Instagram

Kasama din sa larawan na ipinost ni Angelica ang ama ng kanyang dinadala na si Gregg Homan. Nagsimulang umingay ang tsismis tungkol sa relasyon ni Angelica kay Gregg noong Nobyembre 2020, matapos makita ang dalawa na nagpalitan ng nakakakilig na mensahe sa social media.

Noong Enero 1, 2022 naman ay kinumpirma ni Angelica na boyfriend na nga niya si Gregg. Ipagdiriwang nilang dalawa ang kanilang ikalawang taon bilang mag nobyo’t nobya sa darating na Hulyo 11, 2022.

Samantala, bumuhos naman ng mga congratulatory messages mula sa mga tagahanga at mga kaibigan ni Angelica.

Ayon pa sa kababata at kaibigan niyang na si Camille Prats, “Siiisss naiyak ako!!! Napakasaya ng puso ko para sayo at kay Greg. So excited for you sis!! Congratulations for such a beautiful blessing!”

Maging ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ay napa “Awww congratulations!” din.

Si Kim Chiu naman ay tila matagal ng alam ang sikreto ng kaibigan, dahil ayon pa sa kanya, “OMG!!!!! Finally secret is out!!!! Super happy for you momsy!!!! I love you so much! You deserve every blessing na natatanggap mo ngayon.”

Narito pa ang ilan sa mga bumati sa soon-to-be-mom na si Angelica.

Credit: Angelica Panganiban/Instagram
Credit: Angelica Panganiban/Instagram
Credit: Angelica Panganiban/Instagram
Credit: Angelica Panganiban/Instagram

Ang anunsiyo ng pagbubuntis ni Angelica ay dumating dalawang araw matapos ihayag ng isa sa kanyang pinaka malapit na kaibigan na si Dimples Romana na siya ay buntis sa kaniyang pangatlong anak.

Share this article
Erie Swan