Coco Martin hinalikan si Julia Montes sa lips; aamin na ba sa kanilang relasyon?

Isang sorpresa ang inihanda ng cast at crew ng FPJ’s Ang Probinsyano para sa 27th birthday ni Julia Montes noong March 19.

Sa video na inupload sa Facebook ay makikitang naiiyak pa si Julia ng makita ang sorpresa ng mga kasamahan nito sa trabaho.

Mas nagpakilig pa sa mga netizens ng lumabas ang rumored boyfriend ni Julia na si Coco Martin na may dalang magarbong birthday cake.

Samantala, nagpasalamat naman ang aktres at humingi ng wish hindi para sa kanyang sarili kundi para sa kanyang mga kasamahan sa trabaho.

“Magpapasalamat po ako sa kaarawan ko pero hindi po ako magwi wish. Ang wish ko po para sa lahat. Lahat po sana ng pinagpi pray ng bawat isa, ang desire ng heart ng bawat isa, sana tulungan nyo po kaming magrant yun, matupad yun Lord God.”

“And gusto ko rin po kunin ‘tong opportunity na ‘to na magpasalamat sa lahat. Sobrang blessed ko at naging part ako ng FPJ’s Ang Probinsyano. Yun lang.”

Credit: CocoJulia World/Facebook

Pero ang mas nagpatili at nagpakilig sa mga netizens ay ng ikiss sa lips ni Coco si Julia matapos nitong hipan ang mga birthday candles.

Ayon pa sa comment ng isang netizen, “the couple kiss” graabbeee sobrang saya lng talga genuine happiness… Mara u deserve it coz npka buti mong tao we love u… God bless more to both of you.”

May isang netizen naman ang nagtanong kung ito na ba ang panahon na pinakahihintay ng mga fans na aamin ang dalawa sa kanilang napapabalitang relasyon.

Matagal naring usap usapan sa apat na sulok ng showbiz ang relasyon ng dalawa. Si Coco rin ang itinuturong ama ng diumano’y baby ni Julia.

Share this article
Erie Swan