Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa businessman boyfriend nito na si Mateo Lorenzo sa isang intimate church wedding kahapon, March 23.
Sa binura na ngayong Instagram story ni Andre de Leon Lorenzo, ang kamag-anak ni Mateo ay makikita na nakaharap sina Erich at Mateo sa altar.
Ang seremonya ng kasal ay ginanap sa St. James the Great Parish sa Alabang, Muntinlupa City.
Ang bagong kasal ay tahimik tungkol sa kanilang relasyon simula pa noong nagsimula silang mag-date noong 2017.
Sinabi ni Erich sa isang fan sa Q & A vlog noong 2019 na mas gusto niyang huwag ng sabihin sa publiko kung ano man ang nangyayari sa kanyang lovelife.
Ayon sa kanya, “Gusto kong protektahan ang isang bagay na napakahalaga sa akin, isang bagay na maganda. Ayokong masira so sa akin nalang yun.”