Bongbong Marcos sinaktan ng “supporter” sa kanyang caravan sa Quezon

Viral ngayon sa social media ang video ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos na namimilipit sa sakit habang nakikipagkamay sa kanyang caravan sa Quezon.

Sa isang 21 second video na inupload sa Tiktok ay makikita na nagkakagulo ang mga tao sa harap ni Marcos at gustong siya ay makamayan. Pinagbigyan naman niya ito ngunit bigla na lamang siyang namilipit sa sakit.

Isang hindi pa nakikilang “supporter” ang biglang humatak sa kanyang kamay na naging dahilan para umangal ito sa sobrang sakit.

Kinondena naman ng mga netizens ang ginawang ito ng sinasabing “supporter”. Naawa ang karamihan sa ginawang iyon kay Marcos.

Ayon pa sa isang netizen, “Parang ako ang nasaktan. Ako ang naawa grabi nman wag nman ganyan. We love our next President. Pls. pls. Protect our next President. God is Good.”

May pumansin din sa kakulangan ng proteksyon mula sa mga security escorts ni Marcos.

“Sana naman ung body guard nya bantayan segundo segudo si BBM. Hawiin pag may ganun jusko bobo ng security nya! Alam nya madami tao loko dyan.”

Narito naman ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens.

Bilib naman ang isang netizen kay Marcos dahil ayon sa kanya ay hindi ito sumusuko kahit pa umiiyak at nasasaktan na.

Pinansin naman ng isang supporter ang galit na ipinamalas ng nanakit kay Marcos. Ayon pa sa kanya ay hindi daw diumano ito pababayaan ng Panginoon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pa namang official statement ang kampo ni Marcos tungkol sa insidenteng ito.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.