Former MU winners will host Miss Universe Philippines coronation night

Tatlong dating Miss Universe winners ang magho-host ng Miss Universe Philippines 2022 coronation night na gaganapin ngayong April 30, 2022 sa SM Mall of Asia Arena.

Ito ang ipinost ng pageant organizers sa kanilang social media accounts ngayong Sabado.

Ayon pa sa caption: “#UniquelyBeautiful meets #ConfidentlyBeautiful. You’re in for a phenomenal show, Universe! Introducing our hosts for the Miss Universe Philippines 2022 Finals, April 30, at the @moaarena!”

Makakasama ng pangatlong Miss Universe ng Pilipinas na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach sina Miss Universe 2016 Iris Mittenaere ng France at Miss Universe 2017 Demi-Leigh Tebow ng South Africa.

Credit: Miss Universe Philippines/Instagram

Si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu, na pumasok sa Miss Universe top 5, ang magpapasa ng korona sa kanyang kapalit.

Ito na ang pangatlong pagkakataon ni Pia na maghost ng pinakaprestihiyosong beauty pageant sa bansa.

Samantala, babalik ng Manila si Iris matapos siyang makoronahan dito noong February 2017.

Excited naman ang mga pageant fans tungkol sa balitang ito. Marami din ang bumilib sa Miss Universe PH sa pagkuha sa tatlong dating Miss Universe winners dahil tiyak na mas marami pa ang gustong manood sa coronation night.

Samantal, sang mensahe naman ang pinahatid ni Pia kina Iris at Demi.

Ayon pa sa kanya, “See you at the finals!”

Share this article
Erie Swan