Hindi pinalampas ni Melai Cantiveros ang isang basher na nagmura at nagbanta sa kanya at sa kanyang mga anak.
Nagpost si Melai sa kanyang social media account ng larawan ng isang babae na diumano’y sumumpa at nagbanta sa kanilang mag-ina.
Hindi ito ang unang pagkakataon na ginawa ito ni Melai sa isang basher. Hindi rin pinalampas noon ni Melai ang isang basher na nagbigay ng mapanglait na komento tungkol sa kanyang anak na babae. Ngunit ang kaibahan lamang noon ay nagawa itong patawarin ng Magandang Buhay host.
Sina Stela at Mela ang dalawang anak na babae ni Melai sa asawang si Jason Francisco.
Sa screenshot na ibinahagi niya ay mababasa ang puno ng galit na komento ng isang basher tungkol sa kanya at sa kanyang mga anak.
Ayon pa sa basher, “SARAP KUMAIN NG GALING SA NAKAW… SUMPAIN MGA ANAK MO GAGA… boYCOTT PRODUCTS NI MELAI.. ISA ITONG MAGNANAKAW..”
“PINALAKI SA NAKAW NG MGA MAGULANG.. ISA ITONG PUTA NG LIPUNAN. ANO PANGIT??? NAGMAMAIINIS KANG HAYOP KA..”
“NANAY MO MAGNANAKAW GAGA pinalaki Ka SA pagnanakaw Ng INA mo.”
“ANO???? MAGNANAKAW SI MARCOS PA MORE.. MAKITA LANG NAMIN KAYO SA LAVAS LALIT KASAMA MO MGA ANAK MO P*T@NG Ina KANG PANGIT KA. MAmatay na Sana MGA anak mo..isusumpa KO yan.”

Sa isa pang screenshot na ipinost ni Melai ay mababasa parin ang ganitong uri ng mensahe mula sa parehong basher.
“MAMAMATAY BATANG ITO PINALAKI SA PAGNANAKAW .. HAHA SUMPAIN PAMILYA MO PANGIT. MAGNANAKAW SI MARCOS???? NANAY MO ANG MAGNANAKAW GAGA.”

Sa caption ni Melai ay nananawagan ito na kung sino man ang nakakaalam sa kinaroroonan ng basher ay sabihin ito sa kanya. Humingi rin siya ng tulong sa Lawyers for Leni.
Ayon pa sa caption: “Nananawagan po ako kung nasaan ang taong itu nang masampahan ng nararapat legal na aksyun , Paki PM po ako Maraming Salamat Matigil na ang mga pamg haharass na tu At para sayu na nasa picture na yan PAPAHANAP KITA KAHIT SAAN KA MAN TANDAAN MO YAN
Nananawagan dn ako sa mga #LawyersForLeni @lawyersforleni”

Simula ng maghost si Melai sa grand rally ni vice president Leni Robredo ay hindi na siya tinigilan ng mga bashers dahil narin sa ibang mga komento nito laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos.