Kakai Bautista pinainit ang socmed sa kanyang bikini pics: ‘PAKDEMALL’

Pinaalalahanan ng komedyanteng si Kakai Bautista ang kanyang mga followers na “always believe in the power of beauty” habang ibinahagi ang sunud-sunod na bikini snapshots ng kanyang sarili sa Instagram.

Ayon din sa kanyang caption: “Hindi ako titigil na iremind kayo na ano mang hugis, hitsura at kulay nyo, YOU ARE BEAUTIFUL and you should be PROUD dahil sa inyo lang yan.”

“BABAE!!! sayo lang yan, walang pwedeng umangkin nyan.”

Ibinahagi din ni Kakai na binago siya ng kanilang lock-in taping kamakailan. Dito ang natutunan niyang mahalin ang kanyang sarili.

Kwento pa niya, “For the past weeks sa lock-in I’ve been really lazy and crazy. Coping mechanism. but HAPPY.”

“Not far from today, I HAVE LEARNED TO LOVE THY SELF in every circumstances.”

Pinayuhan din niya ang kanyang mga followers na sundin kung ano ang nagpapaligaya sa kanila at dedmahan na ang mga nagsasabi na hindi sila maganda.

“Do whatever makes you HAPPY. Kung gusto mong payat ka, GO. Kung gusto mong Jubis at bulky ka, GO! Basta ang importante you know how to take care of yourself.”

“Your physical, emotional and mental health- ang pinaka mahalaga to keep going and fighting. Sa lahat ng magsasabe sayo ng hindi maganda about your fez, your body and pagkatao! PAKDEMALL.”

Sa huli ay binigyan diin ni Kakai kung gaano kahalaga ang pagmamahal sa sarili.

“Ikaw ang mahalaga. Para mapahalagahan at mahalin ang mga taong nakapaligid sayo.”

Si Kakai ay isang artista sa entablado, telebisyon, at pelikula na kilala sa kanyang mga acting stints sa Darna (2009), My Valentine Girls (2011), at Harry & Patty (2018). Ginagampanan niya ngayon ang papel na Pepita del Mundo sa First Lady sa GMA 7.

Share this article
Erie Swan