Muling namataan ang rumored celebrity couple na sina Paolo Contis at Yen Santos na magka-holding hands sa Rockwell sa Makati.
Sa video na nagtrending sa iba’t ibang social media sites ay naka-grey na t-shirt si Paolo habang naka-white blouse at black pants na may puting baseball cap naman si Yen.

Noong nakaraang Disyembre nang huling makita ang rumored couple sa Boracay.
Ang social media user na si Mikee Clariz Ebina Sullano ng Malay, Aklan ay nag-post ng mga larawan ng rumored couple sa kanyang Facebook account. Nilagyan niya ito ng caption na “Tara Boracay as a friend”.
Isang buwan matapos ihayag ng ex ni Paolo na si LJ Reyes na tinapos na nila ang kanilang relasyon, namataan naman sina Paolo at Yen na kumakain sa Baguio.
Namataan din sila sa Manaoag, Pangasinan. Gayunpaman ay nilinis ni Paolo ang pangalan ni Yen sa issue, at sinabing hindi siya ang third party sa breakup nila ni LJ.
“Kahit kailan hindi siya ang dahilan ng break up namin. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me.” Pagtatanggol pa ni Paolo kay Yen.