Ana Jalandoni isinalaysay ang malagim na sinapit sa kamay ni Kit Thompson

Isinalaysay ng aktres na si Ana Jalandoni ang pagsubok na dinanas niya sa kamay ng kanyang nobyo na si Kit Thompson nang unang magpakita siya sa publiko noong Lunes, halos dalawang linggo mula nang siya ay naospital dahil pambubugbog.

“Nangyari po kasi is nag-usap po kami ng… yun nga po, gustong-gusto na niya akong pakasalan. Tapos po, sabi niya mahal na mahal niya ako, ganyan… tapos ganun din ako sa kanya.”

“Tapos po may pina-delete po ako sa kanya na mga pictures namin sa social media. Tapos ok naman po yun usapan namin.”

“And then, yung next nya po sa akin na tanong eh yung sa ex ko. ‘Iniwan mo na yung ex mo di ba? Di ba hiniwalayan mo na siya?’ Sabi ko, ‘Oo matagal na. 2018 pa yun. Alam mo naman kung ano ang nangyari, kung bakit.”

“Tapos sabi niya, ‘Ako kung iiwan mo ‘ko. Pag iniwan mo ‘ko, patayin kita.’ Tapos sabi niya, ‘Akin ka lang. hindi ka pwedeng mapunta sa iba.”

“Kaya nung sinagot ko siya na after niya, sabi ko sa kanya, ‘Mahal kita, hindi kita iiwan. Alam mo yan. I’m only your’s. Alam mo yan.”

“Then nilapitan ko siya. Hinalikan ko pa siya sa ulo, sa ulo niya. Tapos pumunta nalang ako ng bathroom. Nag-CR ako.”

Pagkatapos nito, sinabi ni Ana na nagpasya siyang tawagan ang kanyang matalik na kaibigan upang ipaalam sa kanya na kasama niya si Kit na umiinom.

Nang walang signal ng cellphone sa silid ay lumabas diumano ang aktres upang maghanap ng mas magandang lugar para tumawag kaya napunta siya sa ikatlong palapag ng hotel.

“And then yung bestfriend ko si Victoria, tatawagan ko siya na sasabihin ko sa kanya, nandito kami sa hotel, na nakainom kami.”

“Tapos walang signal yung phone ko, kasi hindi siya… iba kasi yung line. Yung number niya ako tumatawag. So yung sa cellphone, walang signal, kaya ako lumabas ng pinto para maghanap ng signal to call her.”

“Yun ang gusto kong sabihin na, kasi nga nakainom na kaming dalawa, kaya nakatulog ako dun habang naghihintay ako ng signal. Hindi naman totally tulog, parang napasandal na naidlip.”

“After nun, nakita na ‘ko nung lady guard si Ate Sonia. Narinig ko pa na sinabi ni Ate Sonia, yung guard na, ‘Sir Kit, andito si Mam Ana’. Pumunta si Kita sa third floor. Dun lang naman ako sa hallway eh. Parang nakaganun ako. Binuhat ako ni Kit.”

Binuhat daw siya ni Kit sa balikat nito habang naka idlip pa. Tapos ibinaba na siya sa kwarto nila sa unang palapag at doon na daw siya sinimulang saktan ng aktor. Ikinuwento din ni Ana kung ano ang nag-trigger kay Kit na saktan siya.

“Ganun yung buhat niya sa’kin. Tapos dumiretso na sa room. Dun na niya ‘ko nasaktan. Akala niya iiwan ko siya. Kasi pag higa niya sa’kin sa bed, sinampal niya ako ng gising eh. Nagulat ako, syempre naano ‘ko, na shock ako.”

“Sabi ko, ‘Ba’t mo ko sinampal?’ Sabi niya, ‘Ba’t mo ko iniwan? Ba’t ka umalis?’ Sabi ko, ‘Hindi ako umalis, tinatawagan ko si Victoria, sasabihin ko sa kanya, nandito tayo sa hotel, lasing tayo.”

“He goes, ‘Hindi, hindi! Umalis ka, iiwan mo ko!’ Tapos paulit-ulit na siya. Sabi ko, ‘Check mo yung phone ko.’ Hindi siya nakikinig sa’kin. Kasi galit na galit na siya.”

Kasama ng aktres ang kanyang kapatid na babae na si Marie, ang ama na si Lawrence at ang abogado nito. Inanunsyo din nila ang mga kaso na isinampa laban kay KIt – two counts ng violence against women, frustrated homicide at illegal detention

Inamin naman ng aktres na alam niya ang “anger problem” ni Kit, dahil ipinaalam ito ng aktor sa kanya noong nagliligawan pa lamang siya. Dagdag pa niya, hindi ito ang unang beses na nasaktan siya ni Kit.

Itinanggi naman ni Ana ang mga alegasyon na isang third party ang dahilan ng kanilang marahas na pagtatalo.

Sinabi din niya na handa siyang patawarin ang dating nobyo ngaunit kailangan niya paring pagbayaran ang kanyang nagawang kasalanan.

Sina Ana at Kit ay naging magkarelasyon noong Nobyembre 2021.

Samantala, nakalaya naman si Kit sa kasalukuyan dahil nakapag piyansa ito.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.