Gretchen Barretto mayroong itinatagong ebidensya laban kay Bato dela Rosa

Ibinunyag ni Gretchen Barretto na handa diumano siyang magpakita ng mga ebidensyang magpapatunay na si senator Bato Dela Rosa ay sangkot sa mga e-sabong activities.

Ayon pa kay Gretchen, “I am very willing to present evidence to you of my so called accusations Bato dela Rosa. In front of media. Time and place? Hurry please.”

Ibinahagi din niya ang isang screenshot ng panayam ni Bato sa SMNI network na pagmamay-ari ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ayon pa sa caption ng screenshot: “Sen. Bato dela Rosa, pumalag sa patutsada ni Gretchen.”

Credit: Gretchen Barretto/Instagram

Pinabulaanan naman ng senador ang mga pahayag ni Gretchen na siya ay sangkot sa mga online cockfighting activities. Kasalukuyang pinamumunuan ng senador ang imbestigasyon ng senado tungkol sa mga nawawalang sabungero.

Ayon pa kayBato, “Yung unang-una sinabi niya na mahal daw yung relo ko. Bakit siya lang ba may karapatan na magsuot ng P85,000 na halaga ng relo?”

“Hindi pala ako pwede? Mahal talaga yun para sakin, pero sa kanila, ewan ko kung talagang totoong mahal sa kanila yun.”

Dagdag pa niya, “Papano ako magkaka-balance never naman akong nagsusugal. Never naman akong nagsasabong.”

“Never in my life, kahit once na nag-bet ako sa sabong. Hindi nangyari sa buhay ko yan.”

Sinabi din ng senador na isang character assassination ang ginagawa ng kampo ni Gretchen sa kanya.

Paliwanag pa niya, “Character assassination ang ginagawa nila sakin, para lang makabawi sa akin. Dahil hirap pa silang lumusot sa mga issue na kinaroroonan nila ngayon.”

Idiniin din ni Bato na hindi grandstanding ang kanyang laban sa mga operasyon ng online gaming.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.