Ito ang mga nakakatakot na karanasan ni Ana Jalandoni sa tuwing nagagalit at nagiging agresibo diumano si Kit Thompson.
Noong Nobyembre 8, 2021, naging opisyal na magkarelasyon sina Kit at Ana ngunit Disyembre 2021 na nang naipaalam nila sa publiko ang kanilang relasyon.
Gayunpaman, noong nakaraang Marso 17, nagulat ang lahat nang lumabas ang balita tungkol sa pananakit ng aktor sa kanyang kasintahan.
Alinsunod dito ay ikinulong ni Kit si Ana sa isang hotel room sa Tagaytay, at kumalat online ang mga larawan ng bugbog saradong mukha ng aktres. At ngayon, bahagyang nakabawi mula sa pisikal na pang-aabuso, si Ana ay handa nang ibahagi ang kanyang kuwento.
Sa isang panayam kay King of Talk Boy Abunda ay maingat na ibinahagi ni Ana ang mga malalagim na nangyari sa kanya sa kamay ng nobyo. Ibinahagi ni Ana ang mga kuwento tungkol sa mga panahong nagagalit si Kit at nagiging agresibo pagkatapos nito.
Ang unang insidente ayon sa kanya ay sa isang kotse patungo sa kanyang bahay. Habang nagmamaneho ay nagbibiruan sila hanggang sa napunta ang usapan sa kanyang dating asawa. Nagalit diumano si Kit at iyon ang unang karanasan niya na sobrang natakot siya sa pagiging agresibo ng aktor.
Ang pangalawang insidente ay sa kanyang bahay. Nagbiro diumano siya tungkol sa ibang lalaki at muli, hindi ito nagustuhan ni Kit. Nang mga panahong iyon ay mayroong hawak na kutsilyo si Kit at labis siyang natakot.
Alam naman daw ni Ana na sa simula pa lang ay mayroon nang “anger issues” ang aktor. Hindi naman umaasa si Ana na mababago niya ito ngunit sinisikap niyang matulungan si Kit para kahit papaano ay makontrol nito ang kanyang galit.
Ang pangatlong insidente ay sa kanilang paglalakbay sa Palawan. Mahaba at nakakapagod daw ang araw nila at sa pagpasok nila sa kanilang silid, agad siyang bumagsak habang naliligo naman si Kit.
Hindi niya napansin na nakatulog na pala siya habang hinihintay si Kit at ginising na lamang siya ng isang malakas na sampal sa mukha. Nagulat siya sa nangyari kaya mas lalo pang nagalit si Kit sa kanya.
Tanong diumano ni Kit kay Ana: “P*****ina! Tutulugan mo lang ako? Birthday ko, dito tayo sa Palawan, tulugan mo lang ako?”
Panoorin ang buong interview dito: