Marcos nanguna sa panibagong survey ng Pulse Asia, Robredo tumaas ng 9 puntos

Si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte parin ang nanatiling nangunguna sa May 2022 presidential at vice presidential race. Ito ay kung ang pagbabatayan ay ang pinakabagong resulta ng Pulse Asia pre-election survey na inilabas ngayong Miyerkules, Abril 6.

Ang non-commissioned Ulat ng Bayan survey, na isinagawa mula Marso 17 hanggang 21 na may 2,400 adult na respondent sa buong bansa, ay nagpakita ng ilang makabuluhang pagbabago sa mga numero ng pagboto sa pagitan ng Pebrero 2022 at Marso 2022 para sa presidential at vice presidential survey.

Napanatili ni Marcos Jr. ang kanyang pangunguna sa 56 porsyento.

Samantala, tumaas naman ng siyam na porsyento ang puntos ni Vice President Leni Robredo na umabot ng 24 porsyento.

Credit: pulseasia.ph

Ang ibang presidential contenders ay nagrehistro ng mga sumusunod na numero—Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso (8 porsiyento), Senator Manny Pacquiao (6 porsiyento), Senator Panfilo “Ping” Lacson (2 porsiyento), Faisal Mangondato (1 percent), Ernesto Abella (0.1 percent), Jose Montemayor Jr. (0.05 percent), Leody De Guzman (0.02 percent), at Norberto Gonzales (0 percent).

Ipinunto ng Pulse Asia na 1 porsiyento ng mga botante ay hindi pa rin sigurado tungkol sa kung sino ang iboboto bilang pangulo, isa pang 1 porsiyento ang hindi susuporta sa sinumang kandidato para sa posisyon, at ang 0.5 porsiyento naman ay tumangging tukuyin ang kanilang napiling kandidato sa pagkapangulo.

Samantala, nangunguna pa rin si Sara sa Vice Presidential race.

Sa pinakahuling survey ng Pulse Asia ay hindi pa rin matinag tinag si Duterte sa unang pwesto na may 56 porsiyento ng voter preference.

Si Senate President Vicente Sotto III naman ay nakakuha ng 20 porsiyento habang ang senatorial bid ni Senator Francis Pangilinan ay suportado ng 15 porsiyento.

Credit: pulseasia.ph
Share this article
Erie Swan