Vivian Velez gustong singilin ang P203B buwis na hindi nabayaran ng mga Marcos

Pinangunahan ng mga beteranong artista na sina Vivian Velez at Rez Cortez ang paglulunsad ng Bayad Buwis Movement noong Huwebes na naglalayong makuha ang P203 bilyon na hindi pa nababayarang buwis ng pamilyang Marcos.

Sinabi ni Vivian na ang pagtitipon ng humigit kumulang 3,000 katao sa Quezon City Memorial Circle ay walang halong kulay at pulitika.

Giit pa niya, “Walang kulay dito, welcome ang lahat.”

Iginiit din niya na dapat hindi manalo ang isang pulitiko na hindi pa nakapagbayad ng P203 bilyon na utang sa gobyerno.

“Kaming mga artista nagbabayad din ng tamang buwis, tulad din ng ibang propesyon. Kaya dapat ‘di manalo ‘yung may utang na P203 billion!”

Sinabi naman ng film producer na si Edith Fider na hindi nakatanggap ng talent fee ang mga artist na nagperform sa pagtitipon.

Umaasa naman si Vivian na mas marami pa silang mahihikayat na mga artista na sumama sa kanilang mga susunod na rally.

Si Vivian ay isang dating DDS na lumipat ng suporta kay Mayor Isko Moreno.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *