LOOK: Donita Rose found love…again

Mukhang natagpuan na ngang muli ng aktres na si Donita Rose ang kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ng gospel singer na si Felson Palad.

Ibinahagi ni Donita sa kanyang Instagram account na nakipag-date siya sa singer pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating asawang si Eric Villarama noong 2016.

Noong nakaraang linggo ay ginulat ni Donita ang lahat ng mag-post ito ng larawan ng noo’y mystery guy.

Ayon sa kanya, “I think it’s safe to say I’m seeing someone…”

Credit: Donita Rose/Instagram

Noong Miyerkules naman ay opisyal na niyang ipinakilala ang kanyang mystery guy pero hindi niya pa rin ito pinapangalanan.

“The grass seems greener these days, or is it just me?”

Credit: Donita Rose/Instagram
Credit: Donita Rose/Instagram

Ngunit nitong Huwebes ay muling nag-post si Donita sa kanyang Instagram tungkol kay Felson.

“After my last post yesterday, this guy called to say he posted these photos. When I saw them, I laughed so hard and asked, ‘Why this as an introduction photo?’ His response: ‘Para habang tumatagal pumopogi ako.’ (‘So as time goes by, I’ll become more handsome.’) I almost died laughing. That’s @felsonpalad for you peeps. #micdrop”

Sobrang saya naman ng mga kaibigan ni Donita tungkol sa magandang balita na ito.

Kinikilig pang nag comment sa post ng kaibigan sina Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Princess Punzalan, at Bernadette Sembrano.

Credit: Donita Rose/Instagram
Credit: Donita Rose/Instagram
Credit: Donita Rose/Instagram
Credit: Donita Rose/Instagram

Maging ang mga komedyanteng sina Donita Nose at Boobay ay hindi rin napigilang mag komento tungkol sa bagong pag-ibig ni Donita.

Credit: Donita Rose/Instagram
Credit: Donita Rose/Instagram

Ikinasal sina Donita at ang dating asawang si Eric noong Hunyo 9, 2003. Mayroon silang isang anak na lalaki, si Joshua Paul.

Share this article
Erie Swan