Andrea Brillantes boyfriend na si Ricci Rivero

Opisyal na ngayon ang relasyon ni Andrea Brillantes sa aktor-basketball player na si Ricci Rivero nang napa “yes” ito sa isang sorpresang proposal na ginawa ni Ricci pagkatapos ng kanyang laro sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) kahapon, Abril 9.

Isang snippet ng proposal ang ipinost ng isang fan account na “nowhere to go but UP” sa Facebook page nito, kahapon din. Si Ricci na naglalaro para sa University of the Philippines (UP), ay makikitang kinuha ang mikropono sa announcers area at saka tinanong kung pwede bang maging girlfriend niya si Andrea.

Si Andrea, na nasa bleachers, ay sumagot sa kanya sa pamamagitan ng pagkuha ng isang t-shirt na may nakasulat na “yes”. Sinagot naman ito ni Ricci ng “I love you” bago lumabas ng court. Kaya naman mas lalo pang naghiyawan ang mga tao sa loob ng Mall of Asia Arena.

Sa kanyang Facebook page ay kaagad namang ipinost ni Andrea ang kanyang larawan na may hawak na bouquet of flowers at habang suot ang “yes” t-shirt.

Ayon sa kanyang caption: “First time kong manood ng UAAP di ko inaasahang mag kaka boyfriend pa ako. Grabe naman yun Lord!” Aniya, at idinagdag ang petsang “04.09.22.”

Samantala, dobleng selebrasyon naman ito para kay Ricci dahil una ay nanalo sila sa laro laban sa Far Eastern University (FEU) at pangalawa ay ang pag “yes” nga ni Andrea.

Lumutang kamakailan ang mga espekulasyon na nagde-date sina Andrea at Ricci matapos umanong makitang magkasama ang dalawa sa isang restaurant sa Taguig. Nakita rin si Andrea na nakasuot ng UP Fighting Maroons jersey na may numerong 25, na nagkataon ding jersey number ni Ricci.

Nauna nang nag trending sa social media ang diumano’y tensyon sa pagitan ni Andrea at nang kanyang kapwa miyembro ng Gold Squad na si Francine Diaz. Inakala kasi ng mga fans na may namumuong tensyon sa pagitan ng dalawang aktres.

Napansin din ng mga tagahanga na ang dalawa ay nag-unfollow sa isa’t isa sa Instagram matapos makita si Seth Fedelin, ang onscreen love team partner ni Andrea, na nakikipag-usap sa pamilya ni Francine. Lumitaw din ang mga espekulasyon na niligawan si Francine ni Seth ngunit kalaunan ay ibinasura ito ng talent manager ng aktres na si John Ling.

Sa kasalukuyan ay umabot na sa 1.2 millions reactions, 218K comments at 191K shares ang post ni Andrea sa Facebook.

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *