Daniel Padilla at Karla Estrada, binuksan na ang sariling fast food branch sa Tacloban

Sa wakas ay nagbukas na ang sariling branch ng fried chicken at fast food franchise sa Tacloban ni Daniel Padilla at ng kanyang ina na si Karla Estrada.

Kasama ang kanilang pamilya at kaibigan ay dinaluhan din ang kanilang grand opening ng napakaraming tao. Ibinahagi ito ni Karla sa pamamagitan ng kanyang Instagram page.

Ayon pa sa kanya, “My children are My Pride, my Joy and my greatest Blessings! Wala akong mapag lagyan ng Ligaya anak, @supremo_dp.”

Credit: Karla Estrada/Instagram

Ibinahagi din ni Karla ang kanyang kasiyahan sa kanyang anak na si Daniel at ipinahayag ang kanyang pag-asa na magkaroon pa sila ng mas maraming business ventures.

“Palalaguin natin ito ng magkahawak kamay kasama ng mga kapatid mo. Dagdagan pa natin para mas marami pa tayong ma-inspire at higit sa lahat marami pang mabigyan ng trabaho! GLORY TO GOD.” sabi pa niya.

Nakatanggap din ang mag-ina ng pagbati mula sa kapwa celebrities na sina Aiko Melendez, Iza Calzado, at Ruffa Gutierrez.

Credit: Karla Estrada/Instagram

Maging ang ina ng aktres na si Kathryn Bernardo na si Min Bernardo ay nagpadala rin ng pagbati kina Karla at Daniel.

Credit: Karla Estrada/Instagram

Inanunsyo ni Karla na magbubukas sila ng kanilang fast food franchise noong nakaraang buwan at inilarawan ang kanilang business venture bilang isang “dream come true.”

Samantala, kamakailan ay nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Kathryn kasama ang boyfriend na si Daniel sa isang Palawan beach trip kasama ang kanilang celebrity friends na sina Alora Sasam, Ria Atayde at Joshua Garcia.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.