Nagdiriwang ng kanyang unang kaarawan si Baby Felize, ang nag iisang anak ng celebrity couple na sina McCoy De Leon at Elisse Joson, .
Sa unang pagkakataon ay nagpasulyap ang first time parents sa kanilang mga tagahanga kung paano nila sinalubong ang kaarawan ng kanilang unica hija.
Ayon kay Elisse ay sinubukan ni Baby Felize na magpuyat.
“Birthday salubong ni Felize. You tried to stay up late last night cause somehow you knew that it’ll be your special day. Pero around 9 cranky baby ka na kaya we took out your cake and sang happy birthday.”
“Si daddy nagblow ng candle mo right before you tried to touch the fire and si mommy naman ang nagwish for you. You still played with your cake and syempre tikim tikim ka din—and that made you smile.”
“All of these little moments plus a hundred more in the last 12 months, make up so much of my heart.”
Muli ay binigyang diin ni Elisse ang kanyang pagmamahal sa anak.
“Mommy loves you so much, Felize. We love you!!! Happy birthday my one year old”
Maging si McCoy ay meron ding madamdaming mensahe para sa anak.
“Alam ko mayron tayong selebrasyon at bakasyon sa malayong lugar para mapasaya ka namin anak. Pero gusto ko lang rin malaman mo na ngayon eksaktong oras ng kaarawan mo. Naghanda ako ng munting salo salo para mapasaya ka namin sa simpleng paraan, walang ayos, walang kahit ano…”
“Basta ngayon anak kumpleto tayo kasama ka namin ng mommy mo, maniwala ka man sa hindi masayang masaya na ako, sobra na kung makita ka naming nakangiti (na dalawa pa ring maliliit na ipin). Salamat sa mga ngiti mo tuwing naipapakita mong masaya ka sa amin, parang kami ang laging ang may kaarawan. Hindi ko alam kung paano ko matutumbasan yun anak. Ang tanging regalo ko sa ngayon anak ay pagmamahal na panghabangbuhay… pangako yan.”
Hindi rin makapaniwala si McCoy kung gaano kabilis tumakbo ang panahon.
“Sana pag tanda mo mabasa mo to at nakangiti ka. Ito ang patunay na sa unang taon mo dito sa mundo, lahat lahat gagawin ko para mapasaya ka lang anak. Mahal na mahal kita anak ko at ng mommy… sobra. Happy FIRST(hay ang bilis ng panahon) Birthday Felize!”
Upang markahan ang araw ng kapanganakan ni Felize ay nagpunta ang mag-anak para sa isang beach getaway sa Bohol.