Gary V at Angeli Pangilinan, binalaan ang mga bashers ng anak na si Gab

Ipinagtanggol ng mag-asawang sina Angeli Pangilinan at Gary Valenciano ang kanilang anak na si Gab Valenciano. Umani kasi ng mga batikos sa social media si Gab dahil sa pagsuporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo at running mate na si Senator Kiko Pangilinan.

Mula ng magsimula ang kampanya ay aktibo nang nakikilahok at nagho-host si Gab sa mga campaign sorties ng tandem ni Leni at ng kanyang tiyuhin na si Kiko para sa halalan sa Mayo 2022.

Sa Twitter ay hinarap ng ina ni Gab na si Angeli ang mga kritiko ng kanyang anak at nakiusap sa kanila na itigil na ang pamba-bash.

Ayon pa sa tweet ni Angeli, “To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem. It took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you.”

Noong 2019 ay isiniwalat ni Gab na na-diagnose siya na may bipolar disorder at clinical depression.

Sumang-ayon din ang asawa ni Angeli na si Gary sa kanya at sa pamamagitan ng pag tweet ay kanyang binigyan ang kanilang anak ng mensahe ng pagmamahal at suporta.

“I stand with you in this hon. And son? No matter how much you’ve been bashed…rain or shine you also have inspired countless with your stand. Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much @gabvalenciano.” Ani Gary, sabay dagdag ng #LeniKiko.

Samantala, tiniyak naman ni Gab sa kanyang mga magulang na hindi siya apektado sa mga negatibong komentong ibinabato sa kanya.

“Awww mama, love you. I am grateful that through the years, I have managed to gain the strength to overcome such negativity and hate. In all honesty, I am unbothered by the bashing. Let us continue to pray for them. That’s what Jesus would do.” Pagtatapos pa ni Gab.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.