Anne Curtis nagpahayag ng suporta kay Leni Robredo

Parami nang parami ang mga celebrities na nagdedeklara ng suporta sa kandidatura ni Vice President Maria Leonor “Leni” Robredo bilang presidente sa darating na halalan sa Mayo 2022.

Pagkatapos ng announcement ni Piolo Pascual noong Lunes ay si Anne Curtis naman noong araw ng Martes.

Sa isang Instagram post ng It’s Showtime host ay nag-post siya ng isang pink na rosas na may caption, “Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden & how apt it is for this time… dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito… mamahalin tayo… Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas #LetLeniLead #LuvAnneLeni”

Ang kanyang huling hashtag ay kuha sa campaign tagline ni Robredo na #LabanLeni.

Maging sa Twitter ay kaagad nag trending ito at umabot ng halos 28,000 retweets sa loob ng ilang oras lamang na pag-tweet ni Anne.

Credit: Anne Curtis/Instagram
Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.