Ina at pinsan ni Francine Diaz, sinupalpal si Andrea Brillantes

Binatikos ng ina at pinsan ni Francine Diaz si Andrea Brillantes pagkatapos ng kanyang Instagram Live noong Lunes ng gabi.

Sa isang burado ng post sa Facebook ay naglabas ng galit ang ina ni Francine na si Merdick Diaz. Nagpaabot ito ng maaanghang na mensahe kay Andrea. Humiing din siya sa aktres na itigil na ang pang-aapi sa kanyang anak.

“Nanahimik anak ko tigil-tigilan mo na ansk ko, manahimik ka na. Wag mo ‘ko pilitin maubos pasensya ko sa inyo!! Baka magka alaman tayo hanggat maari ayaw ka patulan! Puro pang-unawa at pagpaparaya ang binigay sayo ng anak ko, namin alang alang sa ikatatahimik ng lahat. Sa tuwing na babash ka, kayo lagi nyo dinadawit anak ko. Hindi porket hindi kami sumasagut at kumikibo, hnd inig sabihin OK LANG SA AMIN!! WAG AKO ANDREA BRILLANTES!

May mensahe rin siya para kay Seth Fedelin, na natiling tahimik nang bina-bash ni Andrea at ng kanyang mga tagahanga si Francine noong nakaraang taon matapos kumalat ang mga larawan nila sa social media.

“At ikaw Seth, sana ganyan din ang ginawa mong pagtatanggol sa anak ko ng nadamay sayo kung talagang tinuturung mong kaibigan anak ko! na walang ginawang masama sa inyong tatlo na pinakisamahan kay ng maayus at totoo pero anu ginawa nyo!! ” Diretsang sabi niya kay Seth.

Sinabi rin ni Merdick na matagal na siyang nagtitimpi kay Andrea at sa mga pang aapi nito sa kanyang anak.

“Sobra na pagtitimpi ko hnd na pwede tong ginagawa nyo. Bakit nga ba ANDREA BRILLIANTES GALIT NA GALIT KA SA ANAK KO! Na wala naman ginawa sayo! Ikaw mag umpisa ng sasabihin mo sasagutin ko lahat ng sasabihin mo lahat ngayon sa social media SOBRA KA NA!! Hindi na ko pumapayag na lagi mo nalang binibully anak ko! Lahat ng pang unawa at pag iwas ginawa namin sayo, sa inyo!! Alam nyo yan.”

Credit: DEALS Finder/Facebook

Maaalalang sa Instagram live ni Andrea ay nilinaw niyang hindi siya sumugod sa dressing room para komprontahin si Francine matapos nag-viral ang larawan nila ni Seth.

Ani Andrea, “After posting the Tiktok andami nang kumalat na fake news. Wala pong totoo dun. Hindi po ako nagloko. Hindi ko din jowa yung mga pinagkakalat nyo na kasama kong lalaki sa pictures. At pinaka importante sa lahat, hindi ho ako nanugod sa dressing room. Hindi ho talaga.”

“Guys let’s be real, kung totoo naman yun sana kumalat na. Pero walang kumalat na video. There are CCTV’s in every corner of ABS-CBN and I actually asked for a footage para lang may maipakita ako sa tao na hindi ko ’to ginawa. Andito ako sa elevator, bumalik ako sa dressing room. I didn’t do that.”

Kasunod nito ay muling nagpost si Merdick sa kanyang Facebook account para klaruhin ang kanyang naunang post.

Paliwanag niya, “Bilang isang magulang nasasaktan din kami sa mga sinasabi nyo na hindi maganda sa anak ko. Kaya pumutok na ako ng ganito dahil hnd ko kinaya na siguro naman naintindihan nyo bilang isang ina, maging happy nalang tayo, salamat sa taong nagpa kalma sa akin at mas maraming bagay na dapat ipagpasalamat namin.”

Samantala, sumambulat din sa galit ang pinsan ni Francine na si Christle Saenz kay Andrea. Inakusahan niya si Andrea ng kasinungalingan at sinasabing totoong nangyari nga ang insidente sa pagitan ng dalawang aktres.

“Awit sayo girl ANDREA BRILLANTES! Hindi daw totoong sinugod? Ako na po nagsasabi sinugod nya yung pinsan ko sa dressing room! Sinugod mo kasi nag story ng pic with Seth di ba?! Ayaw mo mag story si Chin dahil ayaw mo magkaron ng chance ang FRANSETH! So feeling mo naman attitude mo si Chin?” sabi ni Christle.

“Feeling maagawan, manloloko naman! Wag mo kaming pikunin baka sugurin ka din namin! Ikaw na nga nagloko, dadamay mo pa si Chin! Lahat na lang kasi gusto mo! Ikalma mo girl alam namin di ka mauubusan nyan baka ikaw mismo maubos! Minus 1,000 ka kay Lord kung palagi kang mamalinis!” dagdag niya.

Credit: DEALS Finder/Facebook

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang reaksyon mula kina Andrea, Seth at Francine.

Share this article
Erie Swan