Donny Pangilinan at Belle Mariano ikinampanya ang Leni-Kiko tandem sa Baguio

Sumama si Belle Mariano sa kanyang screen partner at “He’s Into Her” leading man na si Donny Pangilinan sa pangangampanya para sa presidential bet na si Vice President Leni Robredo at sa kanyang running mate na si Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram ay ibinahagi ni Belle ang mga larawan niya kasama si Donny habang nakikipag-ugnayan sila sa mga residente ng Baguio City noong Miyerkules, Abril 13.

Ayon pa kay Belle, “Baguio house to house”, habang ikinabit ang hashtag na #LeniKikoAllTheWay.

Twinning din ang New Gen Phenomenal Love Team sa magkaparehong t-shirt na may naka imprintang “Leni-Kiko” habang namimigay ng mga leaflet at nakikipag-usap sa mga residente sa kahabaan ng kalye.

Ang update ng aktres ang unang direktang indikasyon ng kanyang pagsuporta sa mga kandidatura nina Robredo at Pangilinan.

Si Donny naman ay pamangkin ni Pangilinan at laging nakikita sa mga campaign sorties nito simula pa noong Marso.

Bago ang kanyang pagbisita sa Baguio kasama ang ka-loveteam ay nag house to house din si Donny para sa kanyang tiyuhin at kay Robredo sa Dumaguete City. Nakasama niya dito ang kanyang mga kapatid na sina Hannah at Ella.

Dalawa lamang sina Don at Belle sa mga artistang nagpahayag ng suporta tandem sa nina Robredo at Pangilinan.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.