Sa wakas ay nag-post na ang artist na si Isabel Santos ng larawan ng rumored boyfriend nito na si John Lloyd Cruz na nakaharap sa camera.
Sa kanyang Instagram account ay nag-post si Isabel ng larawan ni John Lloyd na may hawak na aso.
Nilagyan niya ito ng caption na, “Bb1, bb2.” Ang caption ay tila kumukumpirma na nagde-date nga ang dalawa.

Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Isabel ng larawan ng aktor na nakaharap sa camera. Matatandaang nag-post siya ng mga larawan ng tila nakatalikod na si John Lloyd sa kanyang Instagram account dati.

Nagsimula ang tsismis tungkol sa diumano’y pag-iibigan nina John Lloyd at Isabel nang mag-post ang huli ng larawan ng isang lalaking nag-aalaga sa kanyang mga aso noong Nobyembre.
Nag-post din siya ng larawan ni John Lloyd sa isang art gallery. Ang isa pang post ay nagpakita sa kanya sa isang quarantine kasama ang isang hindi kilalang lalaki na tila kahawig ni John Lloyd.
Nakita rin daw silang magkasama sa Christmas party ng Crown Artist Management na pag-aari ng talent manager ni John Lloyd na si Maja Salvador.
Ayon sa kanyang official website, si Isabel ay isang “artist and illustrator” na nakabase sa Maynila. Siya din ay anak ng mga kontemporaryong Filipino artist na sina Mona at Soler Santos.