Buong pagmamalaking ipinakilala ng aktor at direktor na si Fifth Solomon ang kanyang bagong karelasyon. Nagbahagi din siya ng mga larawan ng kanyang boyfriend, gamit ang hashtag na #JowaReveal.
Ang dating “Pinoy Big Brother” housemate ay nag-post ng mga larawan niya kasama ang kanyang nobyo ngayong linggo.
Sa mga larawan ay makikitang nakabakasyon silang dalawa sa Bohol.
Nai-tag ni Fifth ang isang partikular na Sacarie, at ayon sa kanyang Instagram account siya ay isang modelo at gamer.
Samantala, kung ang caption ni Fifth naman ang pagbabasehan ay mukhang ito ang kanyang kauna-unahang boyfriend.
Ayon pa sa kanya, “Ganito pala feeling ng may jowa. Makakagamit na din ako ng quotes tulad ng ‘I wish I knew you before I knew you’.
Hindi naman niya binanggit kung gaano na sila katagal ni Sacarie.
Napuno naman ng pagbati mula sa kanyang mga kaibigan at mga tagahanga ang comment section ng kanyang post.
Biro pa ni Alora Sasam, “Sana mapigtas tsinelas mo.”

“Ang saya saya ko para sayo!!! Ito na yung Balang Araw mo!!!” Sabi naman ni Barbie Imperial.

Mukhang napatili naman si Loisa Andalio sa tuwa, “WAAAAAAHHHH AYAAAAN TAYO EH.”

Nagpost din ng kanilang mensahe ang bestfriend niyang si Alex Gonzaga at ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto.
