Jennifer Lopez ibinunyag kung paano nag-propose si Ben Affleck

Ngayong lumabas na ang balita tungkol sa engagement ni Jennifer Lopez kay Ben Affleck ay ibinunyag na ng 52 year old superstar kung paano nangyari ang lahat.

Sa kanyang newsletter na “On the JLo” ay ibinahagi ni Jennifer na nag-e-enjoy siya sa bubble bath noong Sabado ng gabi, nang pumasok si Ben, sabay luhod at nag-propose.

Inamin ni Jennifer na hindi siya nakapaghanda sa nangyari kaya napatingin na lamang siya sa mga mata ni Ben habang pinoproseso niya ang katotohanan na makalipas ang 20 taon ay muli itong nag-aalok ng kasal sa kanya.

“It was totally unexpected. Saturday night while at my favorite place on earth (in the bubble bath), my beautiful love got on one knee and proposed.”

“I just looked in his eyes smiling and crying at the same time trying hard to get my head around the fact that after 20 years this was happening all over again, I was quite literally speechless and he said ‘Is that a YES?’ I said YES of course that’s a YES!”

Inihayag din ng Latina singer na ang proposal ay simple lamang ngunit ito rin ang pinaka romantikong pangyayari na kanyang naranasan.

“It was nothing fancy at all but it was the most romantic thing I could’ve ever imagined.”

“Just a quiet Saturday night at home, two people promising to always be there for each other. Two very lucky people who got a second chance at true love.”

Muling binuhay ng power couple ang kanilang pag-iibigan matapos na maghiwalay sina Jennifer at ang baseball star na si Alex Rodriguez at si Ben naman ay nakipaghiwalay sa aktres na si Ana DeArmas noong nakaraang taon.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.