Pia Wurtzbach ibinoto si Leni Robredo sa Abu Dhabi

Ibinoto ni Miss Universe 2015 at aktres na si Pia Wurtzbach si Vice President Leni Robredo bilang susunod na pangulo ng Pilipinas, aniya noong Miyerkules matapos siyang bumoto sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ang pagboto sa pambansang halalan para sa mga overseas Filipino ay nagsimula noong Abril 10, Linggo.

Si Pia ay nasa UAE mula noong huling bahagi pa ng Enero.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Pia ang isang larawan mula sa labas ng Philippine Embassy habang suot ang isang pink na suit, ang campaign color ni Robredo.

Ayon sa kanya, “Got my girl boss suit on cos I’m feeling empowered today!”

“As a first time voter, I must say that it felt so good to vote today. Emotional actually. May halong excitement & relief that I finally took my stand. Shading that little black dot felt like I was finally making a choice towards our future. I know I’m only 1 person. Only 1 vote out of millions but every vote counts.”

Gayunpaman, si Pia ay nagpahayag ng panghihinayang sa kanyang natuklasan sa proseso ng pagboto. Ayon sa kanya ay halos 30% lamang daw ng mga rehistradong botante sa UAE ang inaasahang boboto.

“As I voted remotely from the UAE today, I also learned that only about 30% of ALREADY REGISTERED voters here in UAE are expected to vote.”

Kaya naman hinikayat ni Pia ang lahat ng mga “registered Filipino voters abroad” na huwag sayangin ang pagkakataon na bumoto.

“Sayang naman kung ganon. If you’re a Filipino living abroad who’s already registered, please make time for it because your vote counts. You have one whole month to do this so there’s really no excuse not to. Plus, the process in Abu Dhabi was super seamless.”

Inihayag din ni Pia sa kanayng 13.5 million followers sa Instagram kung sino sa mga presidentiables ang kanyang ibinoto.

“Today, I am even prouder to have voted for Leni to be our next President. I’m sharing this with you dahil naniniwala ako sa kakayahan ng isang babae. Naniniwala ako at naninindigan ako para kay Leni.”

Credit: Pia Wurtzbach/Instagram

Noong Setyembre 17, 2021 ay inihayag ni Pia na nagparehistro siya para bumoto sa Abu Dhabi, para siguradong makakaboto siya sakaling wala siya sa Pilipinas sa araw ng halalan.

Nakatakda namang mag host si Pia sa Miss Universe Philippines 2022 coronation night na gaganapin ngayong April 30, 2022 sa SM Mall of Asia Arena.

Share this article
Erie Swan