Bella Poarch nagparamdam kay Joshua Garcia sa TikTok

Tila nakuha ni Joshua Garcia ang atensyon ng Filipino-American singer na si Bella Poarch nang lumabas siya sa isa sa mga pinakabagong video nito sa TikTok.

Si Bella, na nag-debut sa Billboard’s Hot 100 chart noong nakaraang taon, ay kunyaring nagluluto habang iniisip si Joshua. Ginamit nito ang kanta na “Love Me Back” ni Fayahh Beat. Ipinost niya ang video sa kanyang Tiktok account kahapon, Abril 15.

“Me cooking, my brain…” aniya, kasama ang isang video ni Joshua na kumakanta at naggigitara sa background.

“Singer ba siya?” tanong ni Bella.

Sumagot naman si Joshua sa post ni Bella na may tatlong face-with-peeking-eye emoji, na sinagot naman ng dalaga ng shush emoji.

Samantala, kinilig ang mga fans ni Bella at Joshua na kaagad nakapag-isip na hindi malayong magkaroon ng collaboration ang dalawa sa Tiktok.

Ang iba naman ay nagbiro na dapat “pumila” muna si Bella sa dami ng nagkakagusto kay Joshua.

Credit: Bella Poarch/Tiktok
Credit: Bella Poarch/Tiktok
Credit: Bella Poarch/Tiktok
Credit: Bella Poarch/Tiktok
Credit: Bella Poarch/Tiktok

Bago maging isang singer ay sumikat si Bella sa TikTok sa pamamagitan ng kanyang video habang nili-lip sync ang kanta ni Millie B na “M to the B”. Itinanghal ang video na iyon ni Bella bilang pinaka-viral na video sa Tiktok noong 2020.

Ang unang kanta ni Bella na “Build a B*tch,” ay nasa ika-58 sa Billboard’s Hot 100 chart noong Mayo 2021. Sinundan ito ng kanyang pangalawang single na “Inferno,” na mayroong music video na nagtatampok sa kanyang mga kapwa online content creators na sina Ivana Alawi at Bretman Rock.

Share this article
Erie Swan