Engaged na ngayon si Maja Salvador sa kanyang boyfriend na si Rambo Nuñez.
Ginawa ng aktres ang anunsyo sa pamamagitan ng kanyang mga social media accounts ngayong Linggo kung saan ipinakita niya ang kanyang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Rambo.
“My new beginning @rambonunez.” Ayon pa sa caption nito sabay dagdag ng ring at heart emojis.

Si Rambo naman ay nagbahagi rin ng mga larawan nilang magkasama mula sa aktwal na araw na siya ay nag-propose.
“The best part is yet to come my love @maja.” Isinulat niya sa caption.

Hindi pa malinaw kung kailan at saan nangyari ang engagement, pero noong nakaraang linggo ay magkasama ang dalawa sa El Nido, Palawan.
Kasunod ng anunsyo ng dalawa ay mabilis silang dinagsa ng pagbati mula sa kanilang mga kaibigang celebrities.





Sa isang panayam noong Hunyo 2020 ay sinabi ni Maja na naramdaman niyang si Rambo na talaga ang para sa kanya, na una niyang naging kasintahan noong siya ay 21 anyos pa lamang.
Naniniwala rin si Maja na tama ang kanyang naging desisyon na bigyan ng pangalawang pagkakataon ang kanilang relasyon.
Noong Marso 2019 ay kinumpirma ng aktres na nagkabalikan muli sila ni Rambo.
You may also like this article