Nag-iisip ngayon ang mga netizens sa social media kung hiwalay na ba ang Youtuber na si Zeinab Harake at ang rapper-boyfriend nito na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang Skusta Clee.
Mas lalo pang uminit ang tsismis tungkol sa breakup ng dalawa matapos mapansin ng mga fans na hindi na sinusundan ni Zeinab ang singer-songwriter sa Instagram. Tinanggal na din niya ang mga larawan nilang magkasama sa app.

Napansin din ng mga Marites sa social media na walang post si Skusta Clee tungkol sa pagdadalamhati ni Zeinab dahil sa pagpanaw ng kanilang pangalawang sanggol. Hindi rin binabanggit ni Skusta Clee si Zeinab sa tuwing magpo-post siya sa kanyang account.
Hindi naman binubura ni Skusta Clee ang mga larawan nilang dalawa ni Zeinab sa kanyang Instagram account.
Noong Miyerkules ng gabi ay nag-upload si Zeinab ng larawan nila kasama ang anak na si Bia sa harap ng isang altar habang sila ay nagpapaalam kay “Baby Moon Harake”.
Sina Zeinab at Skusta Clee ay nasa isang masalimuot na relasyon bago nila ihayag sa isang vlog noong Disyembre 2020 na sila ay nagkabalikan na at inaasahan ang kanilang unang anak.