Nagulat ang mga tagahanga nang mag-perform ang South Korean girl group na 2NE1 sa Coachella Valley Music and Arts Festival 2022 sa Indio, California.
Ang lider ng grupo na si CL ay mag-isa sanang pagpi-perform ng “Head in the Clouds Forever” ng 88rising.
Ngunit sa halip na mag-isang kumanta ay sorpresang tinawag ni CL ang kanyang mga ka-grupo na sina Minzy, Dara, at Bom sa unang pagkakataon sa entablado pagkatapos ng anim na taon. Ang kanilang huling performance ay sa MNET awards noong 2015.
Nagsimula ang bulong-bulongan na magkakaroon ng reunion ang grupo nang mag-post ang official page ng 88rising na magiging bahagi ng lineup ang dating miyembro ng 2NE1 na si CL.

Naging wild ang mga fans nang itanghal ng grupo ang kanilang 2011 hit song na “I Am The Best” at ang kanilang mga reaksyon ay trending kaagad sa lahat ng social media platforms katulad ng Facebook, TikTok at Twitter.
Ang opisyal na Twitter account ng 88rising ay nag-post ng larawan ng grupo na may caption na: “We the best.”
Samantala, nagpost naman si Dara sa kanyang Instagram ng mga larawan na kuha sa Coachella. Nilagyan niya ito ng caption na: “Hey Coachella!!! Who’s the best?”
Related article