LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo’s picture-perfect maternity photoshoot

Matapos mag-pose na parang model ng renaissance period sa kanyang maternity photos, ngayon naman ay sumama si Jennylyn Mercado sa kanyang asawang si Dennis Trillo para sa ilang masasayang snaps nilang mag-asawa bago nila i-welcome ang kanilang baby girl.

Sa vlog ni Jennylyn noong Sabado, ipinakita ng DenJen ang behind-the-scenes footage ng kanyang maternity shoot kasama ang celebrity fashion photographer na si BJ Pascual.

Pagkatapos ng main photoshoot ni Jen ay nagpa-picture ang Kapuso power couple.

Una nilang outfit ay black attire para sa isang formal picture. Ayon kay Dennis, ang inspirasyon nila para sa picture na iyon ay ang cover nila ni Jennylyn ng kantang “After All” nina Peter Cetera at Cher.

Credit: Jennylyn Mercado/Instagram

Pagkatapos ay nagpalit sila ng funky-retro-style outfit habang pinapakain ni Dennis ng doughnut si Jennylyn, na may hawak na plackard na nagsasabing, “Feed me doughnuts & tell me I’m pretty”.

Credit: Jennylyn Mercado/Youtube

Ang huling batch ng mga larawan ay kinunan ni BJ gamit ang kanyang old school film camera, na nagbigay sa mag-asawa nang tila nostalgic vibe.

Inanunsyo nina Jennylyn at Dennis ang kanilang engagement at pagbubuntis noong Oktubre at nagpakasal naman silang dalawa noong Nobyembre.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.