Itinanggi ng Kapamilya actress na si Angel Locsin na pagmamay-ari niya ang isang social media account na nagpost ng isang survey kung saan nagpapakita na nangunguna si Vice President Leni Robredo.
May caption ito na: “Panalo na!!! ! Congratulations VP Leni Robredo.”
Shinare naman ito ng isa pang page at nilagyan ng caption na: “May HALAGA lang ang SURVEY kay Angel kung lamang si Lugaw (with laughing emoji)”
Ngunit mabilis na itinanggi ni Angel na siya ang nagmamay-ari ng naturang account.
“FYI, that’s not my account.” Sabi pa ng aktres sa kanyang tweet, sabay dugtong ng hashtag LetsFactCheckFirst.
FYI, that’s not my account ☺️ #LetsFactCheckFirst https://t.co/v5FYuwJ4rE
— Angel Locsin (@143redangel) April 16, 2022
Noong nakaraang buwan ay bumisita si Angel sa Marawi City para ikampanya ang kandidatura sa pagka-pangulo ni Robredo.
Pagkatapos niyang mangampanya sa Marawi ay dumiretso naman siya sa Cagayan de Oro City para ipagpatuloy ang panghihikayat na piliin si Robredo sa darating na halalan.