Inendorso ni Miss Universe 2018 Catriona Gray noong Lunes si Bise Presidente Leni Robredo bilang pangulo at si Senador Francis “Kiko” Pangilinan bilang bise presidente sa darating na halalan sa Mayo 9.
Inanunsyo ito ng beauty queen-singer sa pamamagitan ng kanyang YouTube video na pinamagatang Pinuno: Para sa Bayan.
Ngunit nagpasintabi si Catriona na ayaw niya sanang makialam sa pulitika ngunit dahil kinabukasan ng kanyang bansa ang nakataya, kaya naisipan niyang magsalita at ipahayag ang kanyang opinyon tungkol dito.
“A long-serving public servant, effective legislator authoring 79 laws, and active advocate for the agricultural sector, education, and national welfare, my vote for vice president is Kiko Pangilinan.” Pagbubunyag ni Catriona.
“And my choice for president is Leni Robredo.” Pagmamalaking sinabi ng beauty queen.
Dagdag pa niya, “She is the only candidate with experience in all three branches of our government, judiciary as a volunteer lawyer, legislative as a congresswoman, and executive as a vice president.”
Sinabi rin niya na sa mga kandidato sa pagkapangulo, si Robredo lamang ang nag-iisang nagbibigay sa kanya ng pag-asa para sa pagbabago para sa hinaharap na nais niyang makita para sa Pilipinas.
Paliwanag pa niya, “But it’s my hope that by sharing who I’m voting for after doing my own research, and looking at those five qualities that whether you agree or disagree with my stance, it will serve as an invitation to learn more for yourselves and hopefully, to further develop any stance that you may already have.”
Binigyang-diin din ng beauty queen na ang pagharap ng mga kandidato sa pandemya ay isang sukatan ng isang pagiging magaling na lider.
“And I believe that one of the most competent responses during the global pandemic was that under the stewardship of her Office of the Vice President, which has actually reflected the highest audit rating from the COA, three consecutive years in a row.” Ang sabi niya sa kanyang video na tumagal ng higit sa 14 minuto.
Sinabi niya na pareho sila ni Robredo ng paninindigan pagdating sa edukasyon, pagbabawas ng kahirapan, at pagbibigay-kapangyarihan sa kababaihan. Pinuri din niya ang programa ng bise presidente tulad ng “Angat Buhay program“na nagpaabot ng tulong sa mahigit 600,000 na pamilyang Pilipino sa loob ng anim na taon.
“I appreciate how respectful she is to others, and how she’s willing to listen. And above all else, of all the candidates she’s the only one who gives me hope for change for the future that I wish to see for my country. That’s where I stand.”
Gayunpaman, nilinaw ni Catriona na iginagalang niya ang magkakaibang pananaw at opinyon, sa paniniwalang iisa lang ang hangarin ng bawat Pilipino: ang magkaroon ng mas magandang kinabukasan, mas malinis na gobyerno, pantay na pagkakataon at seguridad para sa lahat.
Isa lamang si Catriona sa mga beauty queens na inendorso ang kandidatura ni Robredo. Nauna nang ibinunyag nina Kylie Versoza at Pia Wurtzbach na si Robredo ang kanilang pinipiling presidente.