Andrea Brillantes, viral sa social media dahil sa “sinabawang hotdog”

Bumida si Andrea Brillantes kamakailan sa music video ng “Tahanan” ng OPM singer na si Adie, na nag-premiere noong Abril 20. Bukod sa magandang boses ng singer ay nakakuha ng atensyon ng netizens ang isang eksena sa music video kung saan tila tinikman ni Andrea ang mantika habang nagluluto ng hotdog.

Puna ng isang netizen, “Hahahaha tinikman yun mantika sa hotdog pero I love this!”

“Sa daming beses ko nang nagluto ng hotdog, di ko pa tinikman kahit minsan yung MANTIKA opo.” Sabi naman ng isa pang netizen.

Pinagtawanan naman ni Andrea ang “blooper” sa pamamagitan ng pagkomento sa ilalim ng kanyang post sa Facebook na nagpo-promote ng music video.

Credit: Andrea Brillantes/Facebook

Ayon sa direktor ng music video na si Kris Ulrich Cazin, ang inakala ng marami na isang nakakatawang pagkakamali ay sinadya pala na eksena. Ibinahagi niya ang screenshot ng kanyang komento niya sa YouTube at ipinost ito sa Facebook.

Ibinahagi niya na dahil ayaw niya talagang magluto si Andrea para sa kaligtasan nito kaya nagpasya siyang gumamit ng tubig sa halip na mantika.

Paliwanag pa ni Kris, “Okay so madami na kayong nakapansin nung pag tikim ng sabaw ng hotdog.”

“It was my intention na gawin yon hahaha. Story time! Before taking the scene, originally, tubig lang yung nakalagay para kumulo tapos makita lang na may usok for practical effects and ayoko na paglutuin si Blythe for safety reasons. Tapos nagulat na lang sila nagchop ako ng hotdog tapos nilagay ko sa pan.”

“And originally instead of “sarap” ang nasa script is “okay naman” since fan ako ni Ninong Ry. I just thought it looks dumb so I went for it.” Dagdag pa niya.

“Don’t expect all women, jowa, asawa, etc na marunong magluto (hindi siya gender role) and that’s okay! Ipagluluto ka parin niya kahit di siya marunong magluto. Show mo parin ang pagtingin mo sakanya, mahal mo parin siya despite mukha siyang ewan na umiinom ng sabaw ng hotdog.”

Pagtatapos pa niya, “kung sa tingin mo ito ay nakakatawa at tanga, iyon ang punto.”

Habang isinusulat ang balitang ito ay #1 trending na sa Youtube ang music video na meron nang 1 million views.

Share this article
Erie Swan