Isa nang ganap na ina ang dating aktres na si Dionne Monsanto.
Siya ay nanganak ng isang malusog na sanggol na babae noong Lunes, Abril 18.
Ibinahagi niya ang magandang balita sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng Instagram. Na-post din siya ng isang video ng kanyang sanggol.

Ayon pa sa kanyang caption: “I have the best view ever. Our baby girl, born on 18 April 2022 at 4:22 AM.”
Noong Pebrero ay ipinakita ng dating PBB housemate ang kanyang baby bump sa social media sa ika-29 na linggo ng kanyang pagbubuntis.
Maalalang inanunsyo ni Dionne ang kanyang pagbubuntis noong nakaraang Disyembre.
Siya at ang asawang si Ryan Stadler ay nagpakasal noong Marso 2021.
Bago magpakasal si Dionne ay inihayag niya na titigil na siya sa pag-aartista.
Related article