Kinumpirma ng aktor na si Jake Cuenca na naghiwalay na sila ng beauty queen-actress na si Kylie Verzosa matapos ang tatlong taon na magkarelasyon.
Ibinunyag ito ng aktor habang ipinapakita ang miniature figure nila ni Kylie sa kanyang Instagram account ngayong araw, Abril 23.
Ayon sa kanya, “This was us. I’ll hold on to all our precious memories together with so much value. These past 3 years of my life have certainly been the best. I say this with such a heavy heart but me and Kylie have decided to go our separate ways.”

Hindi sinabi ni Jake ang dahilan sa likod ng breakup ngunit iginiit niya na hindi sila naghiwalay na galit sa isa’t isa at sinabing ipinagmamalaki pa rin niya ang relasyon na nagkaroon sila.
“I’m still so proud of us because we didn’t want to break up in anger. We both wanted to be able to look back on our relationship with no bitterness, no anger, and no regrets. Only the good memories. Certainly, that’s what I will be holding on to.”

Nangako naman si Jake kay Kylie na lagi itong nandiyan para sa kanya at nagdarasal para sa kanyang tagumpay.
“I will still be here to support you because in so many ways I feel a part of your journey and I will always pray for your success. I’m happy we were able to finish this chapter of our lives the same way we started it. Holding hands as friends.”
“Wherever you are or whatever you’re doing, I will always be sending you love and positivity. I know that you will always have a person in me who will always be proud of you. I’ll see you around Kylie.”
Nagpost din si Jake sa kanyang Instagram story ng kanyang larawan na tila umiiyak.

Lumutang ang mga espekulasyon tungkol sa paghihiwalay nina Jake at Kylie matapos mag-tweet ang beauty queen ng salitang “Broken” noong Linggo, Abril 17.
Napaluha din si Kylie matapos tanungin ni Vice Ganda tungkol sa mga pagsubok na pinagdadaanan ng magkarelasyon nang mag judge siya sa “It’s Showtime” nitong linggo lamang.
Kinumpirma nina Jake at Kylie na magkarelasyon sila noong 2019. Noong panahong iyon ay inamin din ng aktor na matagal na siyang may gusto sa dating beauty queen.