Ipinakita ni AiAi Delas Alas ang kanyang buong suporta para sa presidential aspirant na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa kanyang running mate na si Mayor “Inday” Sara Duterte sa darating na halalan sa Mayo.
Ibinahagi ng komedyante ang isang Tiktok video ng kanyang pagsasayaw sa jingle ng tandem ng anak ng yumaong presidente na si Ferdinand Marcos at anak ni Pangulong Rodrigo Duterte, habang nakasuot ng pulang swimsuit na ipinares sa isang BBM-inspired na headdress at pulang takong.
Ayon kay AiAi “Ang gulo — kaya makapag 4 KINI na ngalang .. baka kahit ilang segundo ng dahil sa video na ito ay matahimik muna panandali ang mundo ng politika.. basta ako BBM SARA meron UNITY.”

“Hindi ako masyadong makahataw baka sumilip ang 2 goiter ko haha or pag nadapa ako bilang d ako sanay mag heels sumilip ang flower ko choose 1 lang kaya chill dance na lang.” Kwelang dagdag pa ng Comedy Concert Queen.
Una nang ipinahayag sa publiko ni AiAi ang kanyang suporta sa BBM-Sara tandem sa miting de avance ng Uniteam para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) noong Abril 1.
Nauna na ring binatikos ni AiAi noong Marso ang isang video sa YouTube na nagsasabing nagsuot siya ng pink bilang suporta kay presidential candidate Vice President Leni Robredo.