Umabot na sa record breaking na 1.5 billion views sa Youtube ang isa sa pinakasikat na kanta ng BTS, ang “Boy With Luv” na collaboration ng K-Pop superstars sa American singer na si Halsey.
Ito ang kauna-unahang music video ng boyband na umabot sa ganoong milestone, at ito ay kanilang nakamit pagkatapos lamang ng tatlong taon na ito ay naipalabas.
Desidido naman ang BTS Army na paabutin pa sa 2 billion views ang nasabing video.
Ayon sa isang fan, “Let’s get this song to 2B views and make them first kpop group to 2B and make them happy.”
Kasama na ang BTS ngayon nina Psy (“Gangnam Style”) at Blackpink (“Kill This Love”) na tanging mga Kpop singers na umani ng 1.5 billion views sa YouTube.
Noong Nobyembre lang inanunsyo ng ahensya ng BTS na Big Hit Music na ang “Boy With Luv” ay umabot sa 1.4 billion mark. Umabot ito ng isang bilyon noong Enero 2021.
Ang iba pang music video ng BTS na lumampas sa 1 billion views ay kinabibilangan ng “Dynamite”, “Mic Drop (feat. Steve Aoki)”, “DNA”, “Fake Love” at “IDOL”.
Ang “Boy With Luv” ay kasama sa kanilang 2019 album na “Map of the Soul: Persona” na nagdebut sa No. 8 sa Billboard Hot 100 at nanatili doon sa loob ng walong magkakasunod na linggo.
Inanunsyo kamakailan ng grupo na maglalabas sila ng bagong album sa Hunyo, kasunod ng kanilang matagumpay na residency sa Allegiant Stadium sa Las Vegas.