Janine Gutierrez ipinasilip ang kanyang New York trip kasama si Paulo Avelino

Sinulit ng aktres na si Janine Gutierrez ang kanyang bakasyon sa New York kasama ang kanyang onscreen love team na si Paulo Avelino.

Ibinahagi ni Janine sa kaniyang social media account ang ilan sa mga larawang kuha mula sa kanyang paglilibot sa iba’t ibang lugar sa New York.

“Once upon a time in NY (with pizza emoji).” Ayon pa sa kanyang caption.

Credit: Janine Gutierrez/Instagram

Habang hindi nakikita ang mukha ni Paulo sa mga larawan, ang aktor ay nai-tag naman ni Janine. Ipinakita rin niya ang isang larawan ng isang lalaki na pinaniniwalaang si Paulo.

Credit: Janine Gutierrez/Instagram

Mapapansin din na pareho ang suot ng aktres mula sa mga naunang post ni Paulo.

Credit: Janine Gutierrez/Instagram

Samantala, nag-comment naman si Paulo sa post ni Janine sa pamamagitan ng man-tipping-hand emoji.

Credit: Janine Gutierrez/Instagram

Nagpunta sina Janine at Paulo sa Amerika para sa “OA sa Love in The USA” concert tour kasama ang singer-songwriter at It’s Showtime host na si Ogie Alcasid.

Sa tour ay muling nakasama ni Paulo ang kanyang anak na si Aki, na kasalukuyang naninirahan sa New York kasama ang kanyang ina na si LJ Reyes.

Nakipag-date din si Paulo sa isang misteryosong babae na kalaunan ay nakumpirma na si Janine, matapos ibahagi ng aktres ang parehong larawan ngunit ipinakita na ang kanyang mukha.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.