LOOK: Baron Geisler is now a college graduate, earns his degree in theology

Masayang ibinalita ng aktor na si Baron Geisler sa kanyang Instagram page na nakapagtapos na siya ng Bachelor of Science in Theology sa All Nations College sa Antipolo, Rizal.

Sa kanyang mga ibinahaging larawan mula sa kanyang graduation ceremony noong Martes, Abril 26, ay nagpasalamat si Baron si Diyos dahil tinupad nito ang kanyang pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.

Ayon pa sa kanyang caption, “My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!!”

Credit: Baron Geisler/Instagram

Sa kanyang Instagram Stories update ay nagpasalamat din si Baron sa kanyang mentor sa paggabay nito sa kanya sa kanyang journey sa pagtupad niya sa kanyang pangarap na maging college graduate.

Ayon pa kay Baron, “Doc. Eph, maraming salamat po!! 2019 tayo nag-start at eto na po, nasagot ng Panginoon ang aking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo.” Isinama din niya ang #itsnevertoolate.

Credit: Baron Geisler/Instagram

Nagsimulang mag-aral ng theology si Baron noong Setyembre 2019. Bago mag-enroll sa nasabing kurso ay naging tagapagsalita si Baron para sa mga symposium na nagbibigay kamalayan tungkol sa mental health at mga panganib na naidudulot ng masasamang bisyo.

Credit: Baron Geisler/Instagram

Kapansin-pansin naman na wala sa mga larawang ibinahagi niya ang kanyang asawang na si Jamie Evangelista at ang kanilang anak na si Talitha Cumi.

Maaalalang halos umpisa ng buwang na ito ng ibinulgar ni Jamie na nahihirapan na naman si Baron sa pagkontrol sa kanyang bisyo sa pag-inom.

Kinumpirma naman ito ni Baron sa isang eksklusibong panayam sa kanya ng Inquirer, kung saan ibinulgar din niya na nagpasya silang mag-asawa na magpahinga muna sa kanilang relasyon para mapagtuunan niya ng pansin ang kanyang pagpapagaling.

Kasalukuyan diumanong nakatira si Baron ngayon sa kanyang sponsor sa Bulacan habang sumasailalim sa isang “12-step program”.

Maligayang pagtatapos Baron Geisler!

Related article

Share this article
Erie Swan