Isa na namang tagumpay ang ipagdiriwang ni Neri Miranda ngayong Mayo 2022 dahil nakatakda siyang magtapos ng kolehiyo.
Ibinahagi ng 36-year-old actress turned businesswoman ang kanyang graduation photo sa kanyang Instagram page nitong Sabado, Abril 23.
Ang kanyang asawang, ang Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda ay makikitang nag-photo bomb pa sa background.
“Finally. (with red heart emoji)” Ayon pa sa celebrity mom.
Base sa hashtags ng kanyang caption, tatapusin ni Neri ang isang degree sa Business Administration sa pamamagitan ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) ng University of Baguio.

Si Chito ang unang bumati sa kanyang asawa sa comments section, na sinundan ng kanyang mga kaibigan at katrabahong artista tulad nina Kris Aquino, Mariel Padilla at Camille Prats.


Ayon sa Facebook post ng University of Baguio noong Abril 20, ay bumisita si Neri sa paaralan para sa kanyang graduation photoshoot noong Abril 19.

Bukod dito ay sinabi din ng unibersidad na nag-enroll ang asawa ni Chito sa Business Administration Program sa pamamagitan ng ETEEAP noong Marso 2021 at magtatapos ngayong Mayo 2022.
Binabati ka namin Mrs. Neri Miranda!