Ginulat ni Alexa Ilacad ang kanyang mga tagahanga nang siya ay nag-transform bilang isang “goddess” sa unang cover ng Slay ang digital video magazine ng Star Magic.
Fierce at sexy ang pose ng aktres sa beach na nakasuot ng sheer white tulle dress, na kanya ring ipinost sa kanyang Instagram account kahapon, Abril 27.
Ayon pa sa kanyang caption: “Goddess reborn. Your very first SLAY Cover Girl, Alexa Ilacad, has arrived!”
“Get ready to be inspired by her story of empowerment as she uncovers herself in the very first issue of Star Magic’s Digital Video Magazine, #SLAY”
Ipinakita rin ni Alexa ang actual cover ng digital video magazine na may titulong ‘From goin’ bulilit, to goin’ big time’.

Humanga naman kay Alexa ang kanyang kapwa celebrities na sina Kakai Bautista at ang kanyang Pinoy Big Brother housemates na sina Samantha Bernardo, Chie Filomeno at on-screen partner na si KD Estrada.

Si KD ay nag-comment pa nang, “Proud ano here”, na mas lalong nagpakilig sa kanilang fans.

Sa Instagram page ng Star Magic ay ibinahagi nito ang larawan kung saan pumipirma si Alexa sa pinalaki na print version ng magazine cover.

Isa na naman itong milestone sa buhay ni Alexa pagkatapos ng kamakailan lang na siya ay nagtapos sa kolehiyo na mayroong bachelor’s degree sa Treston International College’s School of Business and Technology.
Related article